Nice thread, TS. This is a genuine question. How would you explain Genesis 1:26 and Genesis 2:7? Magkaibang araw 'to, hindi ba?
Sa Genesis 1:26 nabanggit na nag-create na ng babae at lalaki. Sabay na nabanggit ang paggawa sa babae at lalaki. In fact, sa sumunod na verses pagkatapos no'n ay mapapansing nag-aatas na nga sa dalawa ang Diyos. Kung gayo'n, ano yung creation na tinutukoy ulit sa Genesis 2:7? Isa pa, sa Genesis 2:7 magkahiwalay ang pagbanggit ng paggawa sa babae at lalaki. Muling nag-atas ang Diyos sa sumunod na verses.
Kung hindi ako nagkakamali magkaibang araw naganap ang mga pangyayari sa Genesis 1:26 at Genesis 2:7 dahil yung pangalawa ay naganap noong pang-pitong araw at ang una ay naganap noong pang-anim** na araw.