renegade24winzam
Eternal Poster
- Joined
- Mar 14, 2013
- Posts
- 940
- Reaction
- 367
- Points
- 317
TADHANA NGA BA?
Kay lupit ng panahaon na parang kahapon lang
Ibinuhos mo ang sakit, ako ngayo’y nahihibang
Tatlong taong nilaan pagmamahal na para sayo’y kulang
Ano nga bang dahilan, bakit puso ko’y naging mangmang?
Ang daming nasayang na mga letrang hindi na mabilang
Sa mga gabing nagdaan, nais ko’y makita kalang
Bigkas ang iyong pangalan at sayo’y laging nakaabang
Hinahanap kita sa bawat oras na animo’y may humahadlang
Pinangako mo sakin noon na wala tayong iwanan
Pero sa huli pala’y parang bulang walang kabuluhan
Hindi mo inisip na labis mo na akong nasasaktan
Ako’y nagulumihanan kung tinadahana ba ang pagmamahalan
Mga liham kong naipon sa haba ng iginugol na panahon
Upang maiparating lang sayo Irog sa lahat ng pagkakataon
Na ikaw lang ang tanging iniibig ko saan ka man naroon
Ngunit sa huli pala’y bibitawan na parang basahang patapon
Originally Written by: Chad aka Renegade24winzam
October 22, 2017 6:40 pm
itong tulang ito ay alay ko sa isang kaibigan na nagkwento ng kanyang buhay pag ibig.