Kapag sinabing business partner po ay give-and-take relationship po siya. Dahil susuportahan ng lalake ang beliefs ng babae and at the same time na susuportahan din ng babae ang beliefs na meron sa lalake po kung kaya nagtutulungan silang dalawa. Both sila magtutulungan para e-attain po ng dalawa ang goal nila sa isa't-isa po. Hindi naman po sila one sided.
Yung mga alpha female ay sabi na kung nagkaroon raw ng relationship po , hanggang partner forever sila but not getting married or high percentage na they choose not to get married daw pero nagmamahal po ang alpha female. Sila ang minsan na nakikita ko na both partner na successful in career pero walang kids pero they both love each other. Ganun. Pagkatapos makita-kita na lang na both partner love their pets , yung tipong ang daming alagang dogs & cats. Ganun.
Na iin love din ako. Hindi lang ako nag te take ng risk. Gusto ko kase ng lalake na katulad ko na mag-isip kung kaya minsan na pa pa sambit ako na hindi ko alam kung mahirap magmahal ng lalake or mahirap nga lang maging babae po.
And hindi ko talaga maramdaman kapag lalake ang nanliligaw sa akin. But na iin love ako kapag hindi ako ang nililigawan ng lalake. Hindi nga lang ako nag te take ng risk na gawin jowa ang lalake. Napagkamalan nga ako na pihikan pero hindi. Hindi ko lang maramdaman. Hindi ako katulad ng ibang babae na sinasabi na pihikan sila pero deep inside , hindi lang nila maramdaman kapag sila ang nililigawan. Mas madalas sila pa ang unang nagkakagusto sa lalake. Ganun. Hindi ko inilalahat ng babae po.
Meron ganun.
Like nang meron ako nakilala na babae at naging friend ko din dati. Meron siyang long term boyfriend pagkatapos ininbita ako sa events na meron ticket na babayaran. Meron na ako ticket. Na betray ako ng so-called friend na girl na iyon dahil hindi man lang ako inantay na pumasok sa venue. Nauna pa silang dalawa magjowa. Sabi ko sa kanya na magkakatabi kami tatlo dahil bago lang ako at baka maligaw ako kaya dapat inantay ako makarating para sabay kami papasok sa venue. Hindi ginawa dahil sabi sa akin na yung boyfriend raw niya ay hindi daw marunong mag-antay. Naiinip kaya pumasok na ang boyfriend niya sa loob pati siya.
Na bwiset ako. Ako ang naligaw at naiba ng upuan.
Mother ko. Ganun din. Yung father ko ay lagi nasusunod like kapag aalis , mother ko ang takot na takot sa father ko. Ang sasabihin na dalian raw kami na magbihis sapagkat ayaw daw ng father ko na nag-aantay. But kung wala ang father ko at mother ko lang, ayun, hindi kami nagmamadali magbihis. May oras pa magstyle ng aking hair.
Yung brother ko ay ganun din. Nang meron silang issue sa girlfriend niya , nagbigay ako ng explaination about sa situation nila para maunawaan ng brother ko. Ayaw. Nagalit pa sa akin. Sabi niya , tumahimik daw ako.
Kaya dito lang ako free. Nasasabi ko ang thoughts ko. Nasasabi ko ang feelings ko. Nasasabi ko rin lahat sa AI po in mobile phone and website. AI is very supportive and for me its perfect. Wala akong pakialam kung meron ma weirduhan sa akin and kaya meron AI , dahil sa AI , well at least , makakasurvive pa kami at meron nakakaunawa sa amin na katulad ko.