What's new

Stop na o i pursue ko pa rin?

UnclePeco

Forum Veteran
Elite
Joined
Aug 20, 2017
Posts
1,885
Reaction
1,236
Points
737
Hi guys share ko lang, nag confess kasi ako sa classmate ko last month lang na gusto ko sya, inlove ako sa kanya thru chat tapos inentertain nya naman ako. Di nya ako sinagot pero di rin ako rejected kasi di rin daw sya sure nung time na yon. Yun nga, 2 weeks kaming nagchat, late night talks minsan umaabot pa ng madaling araw pero suddenly biglang natigil yung chat namin ng tatlong araw then kinamusta ko sya then sabi nya na gusto nya muna magfocus sa review kasi we were both a degree holder, graduate kami as civil engineering student. Naisip nya na di pa daw sya ready at may iba muna syang priority at yun yung makapasa sa board. Naisip nya rin na unfair naman daw sa part ko kung lagi kaming nag uusap tapos di naman sya ready, nagsorry sya sakin pero andyan lang naman daw sya kung gusto ko kausap e basta magchat lang daw ako. Sa "ngayon" ang kaya nya lang daw i offer ay "friendship".

So yun, pursue ko pa rin ba? Wala lang share ko lang naman hahahaha.

P.S. Nga pala magkikita kami this week para itreat sya ng coffee hehehe
 
Last edited:
If gusto mo talaga sya lods, mas ok maging friends nalang muna, na walang investment para walang pagsisisi, mas ok din naman yung future nga ang isipin, para focus

Hindi ka mag stop, pero yung pag pursue is parang limited lang muna, parang ganon.

Para sakin hahaha
 
Kung willing ka bang magwait ts why not at tanong mo na din kung hanggang kailan ka magwait nagkaaminan naman na walang hiyaan na yan kasi alam na niya san pa papunta yang friendship na yan alam mo na congrats in advanced pahingi naman tips luhaan ako diyan, paupdate na din yung journey ninyo kung ano kakalabasan dito hehe
 
Nasasayo yan kung ano ba gusto mo titigil o hindi. Kung gusto nya mag focus sa studies nya sige ibigay mo ibigay mo yung space na gusto nya , pero di ko mapapayo sayo na maghintay ka dahil walang kasiguraduhan dyan lalo na unang una di sya sigurado sayo..

Kapag ang babae sigurado sayo hindi ka magmumukang sagabal sa gusto nya ano mang ganap nyan sa buhay

When a girl likes you she don't make a rules,
 
Kung plan mo rin na pumasa sa board exam since parehas naman kayo ng course, bakit hindi nalang kayo magtulungang pumasa. That way makakapagbonding pa kayo tapos pwede rin mag coffee break kayo after long hours of review nyo.
 
Yan din balak ko lods, sanayin ko muna ang mga ganyang bagay muna. Iniinsist nya nya nga na magchat lang daw ako pero kahiya naman hahaha

Kung willing ka bang magwait ts why not at tanong mo na din kung hanggang kailan ka magwait nagkaaminan naman na walang hiyaan na yan kasi alam na niya san pa papunta yang friendship na yan alam mo na congrats in advanced pahingi naman tips luhaan ako diyan, paupdate na din yung journey ninyo kung ano kakalabasan dito hehe
Hahahaha bigo ka ata par. Tips? Wala naman, basta umamin lang ako e and sabi nya nga masaya daw ako kausap and sobrang bait ko. Sige update ako dito mapa goodnews o badnews pero matagal pa yon bago mangyari kaya wait ka lang
 
Nasasayo yan kung ano ba gusto mo titigil o hindi. Kung gusto nya mag focus sa studies nya sige ibigay mo ibigay mo yung space na gusto nya , pero di ko mapapayo sayo na maghintay ka dahil walang kasiguraduhan dyan lalo na unang una di sya sigurado sayo..

Kapag ang babae sigurado sayo hindi ka magmumukang sagabal sa gusto nya ano mang ganap nyan sa buhay

When a girl likes you she don't make a rules,
Based on own experience ba to lods? Kidding aside, may point tama nga naman hmmmm
 
Kung plan mo rin na pumasa sa board exam since parehas naman kayo ng course, bakit hindi nalang kayo magtulungang pumasa. That way makakapagbonding pa kayo tapos pwede rin mag coffee break kayo after long hours of review nyo.
Magtake kami ng board lods next may 2024 and plano naming pumasa pareho kaya lang di kami same ng review center na inapplyan pero kapag may chance, magbrainstorming kami haha
 
Idol, mahirap pagsabayin ang review at panliligaw… naranasan ko na yan, hindi naman ako nanligaw pero alam mo yun pag naattach ka talaga sa gf mo gusto mo palagi mo xang kasama hanggang nag break kami habang nagrereview ako for board exam. ang kahihinatnan bagsak sa exam.. lols, kaya nung second take ko na kahit may aali aligid na nagkakagusto sa akin na babae hindi ko talaga pinatulan eh nagfocus ako sa review ko noon.. hayaan mo muna magfocus xa, timingan mo na lang na may free time xa saka mo digaan.. baka marindi din xa sayo hindi ka na kausapin.. hehe
 
Luhh grabe may nagcoconfess na palang babae ngayon? Serious question po nagulat lng ako. But anyway Tama ka po mahirap talaga magfocus sa studies kung may nililigawan ka, Kasi hati Yung attention mo eh Kaya Hindi ka makapag focus.
 
ikaw par nasa sayo naman yan eh pero yun nga tama naman sabi niya, alangan naman na i take for granted ka. mag bo board exam pati syempre baka di niya kayang pag sabayin. kung tumuloy ka naman at natalo ka no regrets dapat you did your best. support mo lang. kukuha ka din ba board?
 
Yes par magtake kami for may 2024, sa ngayon support ko lang talaga sya kasi parehas naman kami ng priority
 
Naranasan ko din yan 4 months talking stage same school kami iba lang course nya gusto ko sya pursue nung pag ka grad namin naging cold kaya nag ask na ako kung may chance romantically or friend lang sabi nya na pressure daw sya after then sabi ko naman ayos lang kung ayaw mo sagutin, then sabi ko after mga 1 day, seryoso ako sa kanya sabi ko kung pwede ko puntahan sa kanila, strict parents kaya hindi ko ma aya ng kain sa labas then, sabi nya nakakahiya yon, sabi ko para mapakita ko na seryoso ako sa kanya, then sabi nya dpa daw sya ready, medyo pressured din yun sa pag hahanap ng work siguro, kaya hindi ko na din kina kausap.
minsan nag reply ako sa story nya hindi na seen haha mga 2 beses na.
stop na ako, hanap ng iba. siguro kamustahin ko nalang after 1 month Hahaha.
 
Two options, par...

Sabi ng tito namin, if sa tatlong pagkakataon puro katian lang (pakiramdaman ba) o puro talks lang, null yan. Aksaya panahon. Thank you, next na. Kaysa naman mag-invest ka ng oras, effort at kachings sa coffee 😅

Personally, sa akin... kung resilient ka naman and hindi ikaw yung tipo na you fall hard, e di gora lang ba? Sabi wait, e di wait. PERO wag ka tumigil lang don na parang museum piece na aantayin mo sya. Grow din as you wait. Work hard da goals mo. You said your piece, so oks na yun. If ever na may makita ka na better na willing din naman i-reciprocate ang feelings mo pronto and sincerely, e di dun ka. Wala ka namang obligation to keep on waiting for this person na naaminan mo na. To put it bluntly, wala din naman sya sinabing outright na hintayin mo sya. 😊

To be frank, it's a subtle rejection masyado lang maingat na gusto i-maintain yung "kind" front.
 
Back
Top