What's new

Starlink Philippines - Priced at $99 (P5,509.40) - Ano sa tingin nyo?

pang elitistang rate yan. Mas ok na din yan mas madaming player mas baba ang rate ng ibang telco.
 
nd naman po talaga target ni starlink in the first place yung mga normal consumers na limited ang budget kaya swak to para sa mga may ari ng isla na walang signal hahaha tsaka yung installation palang 25k this is not meant for everyjuan
 
akala ko ang target nitong bagong isp is yung mga rural area`s ? kase kung ganyan yung magiging standard price niyan sa umpisa pa lang mukhang malayo na magkroon ng access yung mga kababayan natin diyan sa mga liblib na lugar 😅
 
Ilan kaya bandwidth nito
50-200 mbps

ang mahal saka satellite direct yan kapag maulap or masama panahon bad signal yan ang issue dyan
This is known issue, at sure solved na ang problem na yan kaya mas mababa orbit ng mga starlink sats. At knowing this company is run by elon na pinapatakbo ang tesla at Neuralink na high tech companies.

akala ko ang target nitong bagong isp is yung mga rural area`s ? kase kung ganyan yung magiging standard price niyan sa umpisa pa lang mukhang malayo na magkroon ng access yung mga kababayan natin diyan sa mga liblib na lugar
Siguro, pwede naman isa ang bumili sa isang lugar (mostly may plano DICT nito na mag deploy sa isolated na lugar) then gawa siya ng business for internet connection sa area/community niya. Wala ding limit mag connect sa internet plan ng starlink as per terms nila, pero may limit ang mga internet devices like wifi modem/router na 250 devices lang. Sa sa ganyang dami siguro isang brgy na yan lol

magbabago pa yan ng price depende sa agreement

actually nag taas nga eh, dapat $499 lang yung package/disk based sa first statement nila pero naging $599. Siguro dahil sa crisis ngayon or idk
 
Last edited:
Ang mahal nya kung ibabase mo sa PH na wages. But well kung wala naman problema yan good siya for business.
 
maganda lang to kung pang business pero kung sa internet lang sa bahay parang di afford ng simpleng tao haha
 
Pwede yan sa mga esport bootcamp kasi gamit na gamit yan. Pero kung private network or personal use lang mahirap kitain yung ibabayad.
 
Grabe namang mahal nyan tas may plan pa silang sakupin yung mga remote areas na walang signal eh mas mahirap nga ang buhay dun sa ilang lugar dun matic di nila afford ang price nyan
 

Similar threads

Back
Top