What's new

Closed Spoken poetry volume.1

Status
Not open for further replies.

6rashaperr

Addict
Joined
Jul 9, 2017
Posts
123
Reaction
61
Points
111
NAPAKATALINO MO.
– Maru Peter Henry

Napakatalino mo
Ngunit ang dami mong hindi nalalaman
Gaya nang ilang beses kong pagsisinungaling
Para mapagtakpan ka sa iyong mga kasalanan

Napakatalino mo
Hindi ko nga maarok ang iyong pang-unawa
Kapag pang-henyo na ang iyong mga pagpapaliwanag
Sa **** kong pusong agad sayong naniniwala

Matalino ka
Pero ang dami mong hindi alam
Minahal pa rin kita
Kahit wala ka namang pakialam

Iba na ang pinatakbo mo sa iyong utak
Iba na ang sinama sa panaginip

Napakatalino mo

Pero hindi mo man lang ako naisip.


KAMATAYAN
-LOVELY

Sabi nila lahat ng bagay may dulo
At sa dulong iyon, wala ng ikaw, wala ng ako, wala ng tayo
Sa dulong iyon, magtatapos ang lahat
Ngunit ano nga ba ang naghihintay sa dulo?
O sa tamang salita, ano nga ba ang dulo?

Namulat ako na ang dulo ay kinatatakutan ng karamihan
Pagkat katumbas ng paglusong sa dulong iyon ay kamatayan
Kamatayan na kinatatakutan
Kamatayan na iniiwasan
Kamatayan na kinasusuklaman
Kamatayan na.. iniiyakan

Subalit ano bang nakakatakot sa kamatayan?
Oo. Nauuwaan ko masakit ang mamatay
Ngunit hindi ba masakit rin ang mabuhay?
Mabuhay sa mundong puno ng away
At mga trahedyang kumikitil ng mga walang malay?

Sa tingin ko'y di naman nakakatakot ang mamatay
Nakakatakot lang ang ideyang namatay ka ngunit di mo na gawa ang nais mo
Nakakatakot na sa huli'y di ka man lang nakatulong sa mundo
Nakakatakot na di mo man lang nagawang patunayan ang eksistensiya mo
Nakakatakot na di mo man lang mahalin ng lubos ang mga tao sa paligid mo
Nakakatakot na sa bandang dulo wala ng ikaw, sila at tayo
Nakakatakot na sa mag isa mong lilisanin ang mundo
At sa huli'y malilimutan na lang ng tao.


PANSAMANTANGA.


Di mo pa man nasasabi
Damang-dama ko na
Wala pa man sa iyong labi
Pero isinasampal mo na
Ang matatalas na salita ng mga hindi mo pagkibo
Sa tuwing tinatanong ko sa’yo kung kailan kayo hihinto

Pagod nang maglakbay ang aking mga luha
Mula sa aking mga mata hanggang sa mag-isa kong tinatapakang lupa
Pagod nang humakbang ang aking mga paa
Papalayo sa sarili ko
Papalapit sa mga ipinipilit mo

Lumaya ka sa akin
Para ikulong ako sa’yo
Sige lang
Kakayanin
Ngayon lamang naman ito

Pansamantanga.


PANAKIP-BUTAS.


Sabi ko haharapin kita kapag buo ka na
Pero heto ako ngayon hawak ko pa ang mga piraso mo – tinatahi kita

Sabi ko mahuhulog lang sa’yo kapag ganap na ikaw ka na
Pero heto ako ngayon pinupulot ang mga bubog mo gamit ang mga salitang “nandito lang ako” at “tahan na”

Kapag pag-iisa na lang ang iyong hinihiyaw saka sana ako lalapit
Kaso nandito ako sa harap mo binibingi ang sarili sa lahat ng mga tinago mong reklamo at galit

Dadalhin sana kita sa buwan kapag aking-akin ka na
Kaso nasa alapaap na ako, lunod na lunod ka pa sa kaniya

Tinakpan ko na ang lahat ng butas ng pagkatao mong kabisadung-kabisado ko na
Napunasan ko na ang mukha mong ginasgas na ng mga sampal at pagluha

At kapag buo ka na

Gaya nang dati


AKO LANG. WALA NANG IBA.


Sabi mo, ako lang, wala nang iba
Ako lang ang pupunas ng pawis mo sa noo
Ako lang ang dudutdot ng tigyawat mo sa ilong
Sabi mo, pasmadong kamay ko lang ang hahaplos sa iyong mukha
Ako lang ang susuntukin mo sa braso kapag gusto mo sanang magwala
Ako lang.

Sabi mo wala nang ibang makakaalam ng mga pinakamadidilim na bahagi ng iyong puso
Na ako lang ang makakakilala sa’yo nang lubusan
Nagpasalamat ka noon sa pakikinig ko
At sinabi mong wala ka nang ibang pagsasabihan.
Wala nang iba.

Sana pala pinataas ko ang iyong kanang kamay
Baka kahit papaano naging tapat ka sa mga sinabi mo
Pero sa bagay, natupad naman ang mga iyon
Ako na lang kasi mag-isa

Ako lang. Wala nang iba.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 5
    Replies
  • 3K
    Views
  • 3
    Participants
Last reply from:
Jmrie_

Online statistics

Members online
1,116
Guests online
4,987
Total visitors
6,103
Back
Top