What's new

Sinong pipiliin mo, ung taong mahal mo o mahal ka? At bakit?

Hindi ko lang sure. Baka mali din ako ha? Kutob ko na sa babae, ang gusto nila na tao na mahal sila pero sa lalake, ang gusto nila na mahal nila. Siguro, hindi naman lahat diba?

Lalake diba? Mahilig magbuhos ng effort para makuha nila ang babae na mahal niya pagkatapos meron kaso din na nawawalanan daw sila ng gana kapag hinahabol sila ng babae, hindi naman lahat ng lalake and ang babae, e sila ang sinusuyo kaya mas gusto nila na may nagmamahal sa kanila and ika nga, hindi ko sure kung lahat ng babae ay ganoon din.

Ako, sa case ko, mas pipiliin ko na mahal ko. Ayaw ko na tao mahal ako. Hindi ko maramdaman. At saka, iba ang iniisip ko kapag mahal ako ng tao. Ang iniisip ko ay fake love kahit ilan beses siya magbuhos-buhos ng effort. Mas lalong hindi ko ma appreciate ang pagbubuhos niya ng effort. Parang mas lalong hindi ko maramdaman kapag nagbubuhos siya ng effort.

Ito ako e. Hindi ko talaga ma feel.

Pero ramdam na ramdam ko kapag mahal ko ang tao as in. Una, nakaka-challenge siya. Pangalawa, másáráp siyang gawan ng paraan para ma develop ang feelings ng tao sa akin at kapag na develop ang ganoon feelings sa akin, 100 percent másáráp sa feelings.

Babae ako so katulad ng sabi ko, hindi ko sure kung meron katulad ko. Maganda magpakatotoo. Kaso meron ibang kasambahay ko dito, nang nalaman na ganun ako, shock silang lahat sila akin.

Hindi nila tanggap. E kung ganun, e di mag lesbian na lang ako. Complain-complain sila pero kapag naging lesbian ako, ayaw din nila.

Pasalamat pa nga sila, babae pa rin ako.

Sa experience siguro. Based sa environment. Ang dami ko kase naririnig na babaero daw ang lalake kapag sila ang nag iinitiate ng first move. Yung tipong pick na lang sila ng pick ng girls at paramihan. Parang gingawa siyang premyo. Alam ko na hindi lahat ng lalake ay ganoon pero kase iyon ang nakasanayan ko sa environment based sa naririnig ko kaya kapag may tao na nagmamahal sa akin, hindi ako nagtitiwala. Ang tingin ko agad ay fake love.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top