Paano mo nasabi na hindi tama ang pakikipag dibate o katuwiranan??? pasensya na po ah kasi hindi naman bawal ang pakikipag dibate nasabiblia po yan katuwiran at utos nga ng dios yan eh!
Basahin po natin sa
Isaias 1:18
[18]Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa.
isapa maski apostol nga nakipagdibate lumabas lang ang katotohanan eh!
Mga Gawa 9:22,29
[22]Datapuwa't lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo.
[29]Na nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoon: at siya'y nagsalita at nakipagtuligsaan sa mga Greco-Judio; datapuwa't pinagpipilitan nilang siya'y mapatay.
kaya wag mo sabihin hindi tama ang pakikipag dibate or katuwiranan ah? kapatid na sHaring_GUN kung talagang humahanap tayo katotohan matuto tayong maghanap para masumpongan mo/natin ang katuwiran ng dios
Lucas 11:9-10
[9]At sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan.
[10]Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.
Kaya lang naman nagkakaroon ng isang gulo kasi ayaw tanggapin ang katotohan at katuwiran
I said before Ang pakikipag dibate or katuwiranan ay parang lang sa dalawang karpentero yan!! na may duda sa isang bagay nagusto lang nilang iresolve na problema
(Halimbawa ang sabi ng karpintero 10meters ang haba ng upuan eh ang sabi naman ng isa 12meters daw! Para mawala ang duda ng nilang dalawang karpentero kailangan nila ng panukat man lang like ruler or metro etc...)
Ganun din sa mga ibat ibang religion subukin natin silang lahat bilang basihan o basis o panukat pailalim tayo sa biblia kung silay sa dios o kung nagsasalita lang sila ng saganang sarili
At sabi mo pa sa post pamamangka yun sa dalawang ilog or higit pa???
(kasi kung ganyan ang gagawin mo asan ang faith??kaya ka nga sumali sa religion na alam mong yun ang tama kasi nagtiwala ka at may paniniwala ka .. kasi if pagaaralan mo lahat di para kang namangka sa dalawang ilog)
Ang pamamangka sa ilog ay may dalawa o higit kang pininiwalaan!! Ganun yan Pero kung talagang nagaaral ka?/tayo true doctrine of faith?!! AT gusto mong humanap ng katotohan subukin nating silang lahat kaya nga dapat suriin lahat eh kung sino ang totoo kasi sa totoo lanh ngayon maraming mga bulaang religion at bulaang propeta.? Paano mo matitiyak kung iisa lang pinaniniwalaan mo??? At paano naman yung iba?? Nasaan ang katuwiran dun!! Utos kasi ng panginoon hesus yun eh ??
I Juan 4:1
[1]Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.
Mateo 24:23-25
[23]Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan.
[24]Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.
[25]Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.
Sana maging patas tayo at kayo hindi ung kayo lang ang tama suriin mo/tayo??? Suriin mo na natin bago ka/tayo mag desisyon tinitiyak ko sayo mawawala mga duda natin para masumpungan natin ang katotohan at katuwiran ng biblia
Ganyan ang katuwiran sa biblia kung talagang nagaaral ka!!/tayo
Magandang araw sa inyo