Totoo ang apoy ng impierno ang Panginoong Hesus na mismo nagsabi
Mateo 18: 8 At kung ang kamay mo o ang paa mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay, kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan.
9 At kung ang mata mo ang makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno.
Halatang di nakakaunawa itong mga taga watch tower, totoo nga na binulag ng dios ng sanlibutang ito ang mga pagiisip ng mga taong ito, upang di sumilang sa kanila ang liwanag ng Evangelio
2 Corinto 4: 4 Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.
mag isip isip na kayo kung isa kayo sa mga binulag ang isip upang di makaunawa sa Evangelio naku kaawa awang kapalaran mangyayari sa inyo