- Joined
- Oct 13, 2017
- Posts
- 25,993
- Solutions
- 6
- Reaction
- 66,537
- Points
- 16,661
Sa bawat paggising
ay bubungad muli ang
sinag ng araw sa umaga,
kagaya ng pagsibol ng mumunting
dahon sa mga sanga,
Sa bawat tagtuyo't ay
dinidiligan ng ulan
ang animo'y walang
kabuhay buhay na kapaligiran.
Ito ay paraan ng mundo
na ipaalala sa atin
kung gaano kasarap uli't
magsimula,
Hayaang maglakbay muli ang ating diwa,
Dahil sa bawat kabiguan
ay may kaakibat lagi na pag asa.
paulit ulit pa rin tayong mag umpisa.
~Professora Akira~
Last edited: