What's new

Databases Similar to Facebook: Only in the Philippines

intensity38

Addict
Joined
Oct 29, 2015
Posts
41
Reaction
29
Points
78
Age
30
Is there a 'way' that our programmers could somehow create a similar and typical social media site like Facebook?

Natanong ko lang ito kasi bakit di tayo gumawa ng sarili natin kaysa tangkilikin natin ang gawang banyaga.

Kung tutuusin marami tayong HTML/XTML/JAVA/PYTHON/C++ programmers na maaaring tunapat at tapatan ang ginawa ni Mark Zuckerberg, CEO at founder ng Facebook. Kapag nagkaroon tayo ng sarili nating 'Facebook' mas magkakaroon pa tayo ng higit na privacy at mas tatangkilikin ang gawang pilipino.

Ang naturang social media site na gawang pilipino ay mas higit na advance kaysa sa Facebook dahil magagamit pa ito para sa survey analysis tungkol sa pagberipika ng katauhan ng isang tao, legalidad sa pagboto, pag-akses sa ahensiya ng gobierno, trabaho at iba pa na kapakipakinabang na paraan.

Mas mapapadali din nito ang pag 'trace' ng mga taong nasasangkot sa ilegal na aktibidad at mapapabilis ang pagtukoy rito ng otoridad.

Malawak ang kaalaman ng mga Filipino Programmers sa panahon ngayon lalo pa't ang pagdisenyo ng gaya ng script ng HTML/XTML ay na-master ng mga henyong programmer sa ating bansa, bakit di natin gawin ang gaya ng ginawa ni Michael Zuckerberg?

Kapag nagkaroon tayo ng sarili nating social media site, mas lalo natin tatangkilikin ang ating pagiging pilipino tulad na lamang ang pagkakapantay-pantay sa lahi, kultura, lingguahe at tradisyong dapat nating ipagmalaki.

Maraming bansa ang may kanikanilang social media sites na gusto pumantay sa Facebook, bakit hindi natin subukan na magkaroon ng sarili natin at mas higit na bibigyang pansin ng masang ito?

Opinyon ko lang iyan, pero malay natin.... pumatok at maging halimbawa na kahit Pilipino kaya din makipagsabayan sa makabagong panahong ito.
 
Sa tingin ko meron ng gumawa, kaso hindi lang masyado nag click sa mga pilipino😁. Masyadong advance na si facebook medyo mahirap na habulin opinion ko lang 😁. Nice thread sir
 
Online suntukan talaga yung balak ko gawin yung pag mainit ulo mo pde nlg sa dyan idaan galit syempre may locator sino pinaka malapit

wala pa ata nakakagawa . Pde nga sana yan capstone projel

Online suntukan talaga yung balak ko gawin yung pag mainit ulo mo pde nlg sa dyan idaan galit syempre may locator sino pinaka malapit

wala pa ata nakakagawa . Pde nga sana yan capstone project
Nice idea sir hahaha.
 
mas napapansin ko na pipiliin nalang ng mga pilipino na magtrabaho sa isang kompanya kaysa magtayo ng kompanya eh, di ko gets bakit ganun lagi ang tinuturo satin ng ating mga magulang na kapag lumaki maghahanap ng magandang trabaho pero kapag banyaga para maging isang owner ng isang business or kompanya.

tsaka kulang tayo sa suporta sa bawat isa, mas pipiliin nalang natin na tangkilikin ang gawa ng ibang banyaga kaysa gawang atin

opinion ko lang..
 
u
mas napapansin ko na pipiliin nalang ng mga pilipino na magtrabaho sa isang kompanya kaysa magtayo ng kompanya eh, di ko gets bakit ganun lagi ang tinuturo satin ng ating mga magulang na kapag lumaki maghahanap ng magandang trabaho pero kapag banyaga para maging isang owner ng isang business or kompanya.

tsaka kulang tayo sa suporta sa bawat isa, mas pipiliin nalang natin na tangkilikin ang gawa ng ibang banyaga kaysa gawang atin

opinion ko lang..
utak empleyado kase tayo mga pinoy yun yung parang naka default program satin. Hindi katulad ng mga inchik for example si Chinkee Tan. Bata pa lang yun tinuruan na mag business . Ganon kase norm sa kanila. at the age of 11 start kana mag tinda or mag lako ng iyong paninda. Sugal ng sugal di takot pumalya. Pag pinoy naman gusto safe zone . Gsto di pumalya well dko naman sinasabi na ganon lahat. Merong iilan , base lg to sa aking obserbasyon kase ganyan din mindset ko dati. Now I started my own freelance start up mini company ayoko na may boss. Pag wala nako matutunan dito sa journey ko nato hanap nanaman ako ibang trip. Di ako takot pumalya o malugi o ma zero kase alam ko yung worth ko . At salamat sa itaas binigyan din ako ng malulupit na skills
 
karamihan kasi sa pinoy programer ay naka online job sa ibang bansa... Naka focus sila dun kasi highest ρáíd job... Kaya d na nila maiisip na gagaya sa fb... At saka walang originality pag nanggaya...
 
China nga may sariling platform for their privacy. So baka tayo rin kapag si BBM ang naging presidente (ssshh, lam ko iniisip mo. Gusto ko lang yung rumour tungkol sa ginto xD) A Big chance Filipino programmer can create too. And Ill be the one who's in charge ;)
 
May nagtry na din siguro paps kaso hindi nag click dahil alam mo naman ung mga tao para hindi kilalang brand/company medyo nag aalangan.
At kung meron man ngayon, fb parin gagamitin ko kasi atleast un maimomonitor ng iba't ibang bansa kung my privacy issue ba at pwedi silang makasuhan. Kung ung social media portal na dito lng sa atin tapos may nilabag na privacy issue ay malamang sa malamang hindi natin malaman dahil alam mo naman patakbo ng gobyerno satin kahit anong administration
 
I had this idea before. Actually I already tried this but because of lack of marketing skills, limited budget and resource, I just stopped. Pero kung may magtatangkang gumawa ulit, it can be possible like China at South Korea na may sarili silang social media
 
Back
Top