Dagdag ko lang para maintindihan natin. ito ay dahil sa conflict of interest.. Bawat panig ay may kanya kanya interes na pinaglalaban at hindi basta basta ibibigay o makukuha.
Interes ng kapitalista ay tubo. Ang mga kapitalista ay naghahangad kung paano pa niya palalakihin ang kanyang tubo, sa pamamaraan na kung paano niya papaikutin ang pulitiko sa mga kayamanan niya para magsagawa ng batas na papabor sa kanila. Tulad ng batas ng kontraktwalisasyon at pagpapababa ng sahod sa ibat ibang probinsya (Herera Law) isama pa ang Train Law na pinapapasan parin sa mamamayan. Kasama pa ang libreng limang taon tax nila sa pamumuhunan at pag aalis ng taripa sa mga produkto pinapasok nila s bansa. Sa ganito pamamaraan nila, limpak na tubo ang naibubulsa nila.
Sa interes ng manggagawa, sila ay naghahangad ng nakabubuhay na sahod, kasiguraduhan sa trabaho at kanilang mga karapatan na hindi talaga ibibigay ng mga kapitalista dahil sa bawat mapatupad o mapagtatagumpayan ng manggagawa ito ay kabawasan naman sa tubo niya.
Kung napapaikot ng kapitalista ang pulitika sa pinas, hukuman pa kaya? Ano laban ng manggagawa?
Pero laking takot nila pag nagkaisa ang mga ito at ito ang multong kinakatakutan ng kapitalista at gobyerno na pag dumating ang panahon na wala na gagawa para sa ikatutubo nila. Kung bakit binabansagan terorista, bayaran, tamad, npa ang mga manggagawang aktibista dahil takot ang gobyerno ito, dahil hindi nila kaya mabuhay sa mundo kung wala ang mga manggagawang ito.