Mga KaPh nais ko po sana maayos itong problema ng 936 ko. Bago kasi yung sim na nakainsert sa kanya. So means, hindi dapat sya nagreRed Light/No Service. Nasa iisang location lang yung modem at di ko sya pinapatay 24/7. So mamatay lang yung modem ko kapag nawalan lang ng kuryente. May antenna naman ako at may LTE signal naman dito sa lugar namin. Everytime kasi na gihising ako sa umaga ay Red na yung ilaw at No Service na at kapag niremove ko yung antenna, minsan ok naman pero minsan No Service talaga. Ang nais ko lang sana malaman at maayos na din ay kung san ang possibleng problema nito, sa modem ba, location, sim or sa antenna?