What's new

Poems Sa Darating na Eleksyon

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,996
Solutions
6
Reaction
66,543
Points
16,663
Di ko mawari ang mga kadahilanan.
Kung bakit sa tuwing paparating ang eleksyon palaging may hidwaan,
bawat grupo'y nagsisiraan at nagbabangayan,
nakakadismaya na ang mga kaganapan.


Lahat ito ay nakasalalay sa ating bayan,
kaya dapat nating seryusohin at pag aralan,
kung ang kanila bang mga pangakong binibitawan,
may mapapala ba ang sambayanan?

Sana lahat ng sinasabi ay kanilang panghawakan,
at magkaroon ng matatag na paninindigan,
pakay ay ang pag unlad ng bayan,
at hindi lamang sa pansariling kapakanan.


Naway huwag padadala sa kabila at kanang mga negatibong komento,
isiping mabuti at huwag laging magpapauto.
sana naman huwag sayangin ang bawat minuto sa pagbuto,
makiisa tayo para sa pag unlad ng bayan
bilang isang mamamayang pilipino.



❤️~Professora Akira~❤️
 

About this Thread

  • 8
    Replies
  • 421
    Views
  • 7
    Participants
Last reply from:
NOUGHT

Online statistics

Members online
456
Guests online
5,421
Total visitors
5,877
Back
Top