What's new

Replacement lcd hindi maganda ang quality

arsenal1205

Intel® Xeon® Gold
Contributor
Joined
Mar 13, 2018
Posts
35,166
Solutions
330
Reaction
129,298
Points
22,179
ingatan ninyo yung mga phone ninyo kung ayaw nyong mabasagan at mapalitan ng low quality na replacement screen tulad ng nangyari sakin.

kuwento ko lang. ito kasi yun..

see this story for recap: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

noong mga 1st week ng june ang phone ko bigla na lang lumabas yung white line mula sa camera hanggang sa baba ng screen touch response/sensetivity at yung fingerprint sensor ok na ok siya. problema nga lang yung screen ng phone nag ka white line sa gitna.

after few days lang nag palit ako ng screen sa cellboy. nag canvass muna ako sa ibang screen repair bago pumunta ng cellboy. doon sa repair shop na una (nakalimutan ko na yung pangalan ng shop) ang quote nila sakin mga 6,700+ halos 7k na ang presyo. So pumunta na ako sa cellboy para mag inquire kung magkano sa kanila ang offer nila sakin mga 4,300 so decidido ko na magpagawa doon dahil mas mura ng halos 3k ang cellboy. Maganda naman ang pag kakagawa pulidong pulido. Nang matapos na ang pagkagawa ng phone ko, medyo nangingiba ako sa screen quality ng phone ko medyo mas maputi yung lcd panel kapag nasinagan ng ilaw unlike sa original na luma kong lcd na nasira. by the way Amoled yung original lcd ko kaya ang ipinalit ko rin is Amoled sa kanila. Ok naman yung resolution halos kopyang kopya ng original lcd ko. nang pag kakuha ko ng phone kasi nakabalot yung lcd na may plastic screen protector kaya hindi ko natest yung fingeprint sensor agad. sabi kasi ng tech sakin na after 5 hours pa tatanggalin yung tape at yung plastic screen protector. Take note naka tape lang yung screen protector na yun.

Pag katapos ng 5 oras, pag kakataon ko na noon na subukan yung fingerprint sensor. kaso hindi na marecognize yung dating naka record na fingerprint ko. sinubukang tanggalin lahat ng previous saved na fingerprint sensor at mag lalagay ng panibago mukhang ayaw at hindi sensitibo tulad ng dati! Medyo nang hihinayang kung bakit pa nasira yung original LCD ko.

hindi lang iyan ang problema, minsan kapag bubukasan yung phone biglang mag full brightness ng saglit tapos babalik na sa normal na brightness yung phone at sabi ko hindi iyan tama.

tapos yung sensitivity ng screen minsan parang halos hihina na lang. minsan lalakas parang aksidente mo mapipindot yung dapat hindi mo itatap na selection sa screen.

At nito lang 6pm. huli kong nabuksan yung phone na maayos ayos pa. nang bubuksan ko ulit yung phone may nakitkita akong ghost touch sa screen. buti na lang naka on yung visual touches sa developer options ng phone ko. at kitang kita ko talaga yung ghost touch na parang may humahawak na dalawang daliri sa screen. dahil sa inis sa fake screen na yun, sinubukan ko i drop test yung phone na pabagsak yung screen (baka sakaling mawala yung ghost touch) at yun na nga nabasag ang fake na lcd.

Buti na lang na nasakin pa yung pinalitan na original amoled lcd ko balak ko ibalik bukas sa ibang technician para magamit ko pansamantala kahit may "lightsaber" ako sa screen. ito kasi ang gagawin ko sa phone ko is bumili ng defective unit na kaparehas sa model ng phone ko basta buo ang LCD pero motherboard or battery ang sira. Ang importante gumagana yung LCD.

Kaya ito bigyan ko kayo ng tip dapat huwag kayo bibili ng LCD sa mga phone technicians. Basta bumili kayo ng mobo defect phone na buo ang LCD. Hindi ko naman sa binaban na bumili doon, pero due to my experience kasi hindi ko na recommend. Unless baka suwertehin kayo sa unit na meron kayo at sa screen na ikakabit nila. Kasi binalikan ko yung screen repair shop na unang pinag canvasan ko na ang tanong ko "bakit hindi na sensitive yung fingerprint sensor kapag nireplace na ang LCD?" ang sabi nila eh basta napalitan na ng screen kahit bago or replacement daw ganyan na talaga ang mangyayari, kahit sinabi ko na meron ba kayong LCD na galing mismo sa Samsung factory? Sabi nila wala puro replacement na ang makikita at makukuha sa lahat ng phone technicians. Kaya ang payo nila sakin eh bumili na lang ako ng sirang phone na buo at gumaganang LCD para ikabit sa phone ko.

Kaya ito talaga ang gagawin ko para maibalik sa dating functionality ng lcd amoled sa phone ko. Kaya kung ayaw ninyong matulad sa phone ko ingatan ninyo yung phone screen ninyo lalo na sa mga naka amoled.
 
Nakakalungkot naman ang naging karanasan mo sa pagpapalit ng screen ng iyong phone. Mahalaga talaga na piliin ng maingat kung kanino mo ipagkakatiwala ang iyong device. Maraming mga repair shops na nag-aalok ng pagkakabit ng mga low-quality na mga screens, kaya't dapat talaga maging mapagmatyag tayo bilang mga konsumers.

Ang magandang bagay ay sinubukan mong mag-canvas sa iba't ibang repair shops bago ka pumunta sa Cellboy. Maganda rin na nakuha mo ang kanilang presyo na mas mura kaysa sa iba. Gayunpaman, kahit na mura ang serbisyo, mahalaga pa rin na tiyakin ang kalidad ng mga ipapalit na mga bahagi sa iyong phone.

Nakakalungkot na hindi maayos ang mga pinapalitan na screen sa iyong phone. Sa pagkakatanggap mo ng iyong phone mula sa Cellboy, napansin mo na mas maputi ang LCD panel kapag nasinagan ng ilaw kaysa sa orihinal mong LCD na nasira. Maaaring ito ay dahil sa pagkakaiba ng mga uri ng LCD. Sa orihinal mong LCD na Amoled, ang mga kulay ay mas vibrant at mas malalim ang mga ito kapag nasinagan ng ilaw. Ang pagkakapalit ng screen ay maaaring magdulot ng pagkakaiba ng kulay at kalidad ng mga ipalit na screen.

Kasabay ng problemang ito, hindi na nagwowork ang iyong fingerprint sensor. Kahit na tinanggal mo ang mga naka-save na fingerprint at sinubukang maglagay ng panibago, hindi ito nagrerecord nang maayos o hindi ito sensitibo tulad ng dati. Nakakapanghinayang na nasira ang iyong orihinal na LCD.

Hindi lamang iyon ang problema, sinabi mo rin na may mga pagkakataon na biglang umiilaw ng malakas ang iyong phone pagkatapos itong buksan, tapos babalik na sa normal na brightness. Ito ay hindi dapat mangyari at maaring ito ay isang depekto ng papalitang screen.

Ang sensitivity ng screen ay isa pang isyu. Minsan ay hindi ito gaanong sensitibo, at minsan naman ay nagre-react ng hindi dapat. Ito ay hindi katanggap-tanggap at maaring magdulot ng isang hindi magandang karanasan sa paggamit ng iyong phone.

Ang pinakabagong problema na iyong nabanggit ay ang ghost touch sa screen. Ito ay nakakabahala at nagdudulot ng hindi komportableng paggamit ng iyong phone. Sa iyong inis sa pekeng screen, sinubukan mo itong ibagsak upang sana mawala ang ghost touch, subalit ito ay nagresulta sa pagkabasag ng pekeng LCD.

Mabuti na lang at nasa iyo pa ang iyong orihinal na Amoled LCD na pinapalitan. Ang iyong balak na ibalik ito sa ibang technician upang ito ay maibalik sa dating kalagayan ay isang mabuting hakbang. Ang plano mo rin na bumili ng isang sirang phone na may buo at gumagana pang LCD para ipalit sa iyong phone ay maaaring maging isang alternatibong solusyon.

Mahalaga talaga na mag-ingat tayo at piliin ng maingat ang mga technicians na ipagkakatiwala natin ang ating mga devices. Hindi masama na magtanong at mag-canvas sa iba't ibang repair shops upang makasiguro tayo na ang mga papalitin sa ating mga devices ay dekalidad at magiging maayos ang performance ng mga ito. Kahit na nagpapalit tayo ng mga sira o sirang bahagi ng ating mga devices, mahalaga pa rin na matiyak natin na ito ay magiging maluwag at magiging maganda ang karanasan ng paggamit ng ating mga gadgets.
 
Class A talaga ang lahat ng replacement sa market, nagself-repair ako ng tig-700 na replacement sa Vivo na phone, iba talaga performance, kung hahanap din ako ng defective na unit na oks yung screen is impossible

As for me natatakot talaga ako magpaayos sa mga technicians, aside from baka surprising ang charge e baka manakaw ang data ko
 
maglaptop ka nalang idol, lenovo thinkpad paps maganda
medyo ot pero kailangan ko parin ng phone well agree ako paps sa sinabi mo na lenovo thinkpad. magandang laptop talaga iyun pag dating sa tibay. btw meron na akong laptop ideapad (pang gaming) at thinkpad. lahat lenovo.
Class A talaga ang lahat ng replacement sa market, nagself-repair ako ng tig-700 na replacement sa Vivo na phone, iba talaga performance, kung hahanap din ako ng defective na unit na oks yung screen is impossible

As for me natatakot talaga ako magpaayos sa mga technicians, aside from baka surprising ang charge e baka manakaw ang data ko
yun pa isang concern kapag nag rerepair ng lcd. kaya isa pang tip para sa mga nasiraan ng LCD, dapat bantayan o panoorin ninyo ang ginagawa ng technician sa phone ninyo. Tulad ng ginawa ko dati habang ginagawa yung phone ko.

warranty sana paps
out of warranty na siya paps hindi na possible.
 
sad story pala master.. ganyan din nangyari sa umidigi a7 pro na binigay ko sa kapatid ko, mahirap talaga pag lcd ang nasira sayang ung bili ko sa lazada hindi man lang mabasa ng computer, .. pinagawa nya rin sa technician at mas napa mahal pa nga and worst is nabura pa lahat ng mga files..
 
umidigi? parang unknown sakin brand na iyan galing ibang bansa ba iyan paps?
 
Nag paayos din ako noon Yung samsung j7 pro almost 4k binayad ko ilang months ko lang nagamit take note alagang alaga ko nung bagong palit.Bigla nalang nagka black dot sa screen hanggang sa lumaki ng lumaki tas buong screen na yung itim grabe panghinayang ko 😅
 
Class A talaga ang lahat ng replacement sa market, nagself-repair ako ng tig-700 na replacement sa Vivo na phone, iba talaga performance, kung hahanap din ako ng defective na unit na oks yung screen is impossible

As for me natatakot talaga ako magpaayos sa mga technicians, aside from baka surprising ang charge e baka manakaw ang data ko
Totoo. Kahit sabihin nila na orig especially sa mga battery replacement na nagkalat ngayon. Kaya mahal talaga sa service center ng brand ng phones kasi legit talaga maipapalit sayo.

Napanood ko nga last time sa showtime. Pinapalitan ni Anne Curtis yung screen ng phone niya sa nirefer ni Vhong na technician. Naging kulay pink daw e. Hahaha! Mayaman pero naghanap ng mura. Epic fail talaga 😆
 
major facepalm iyan kay Anne hahha
 
Di kana talaga makakakuha ng original LCD kapag nasira na yung orignal LCD ng phone mo and yes replacement nalang po lahat yan. Sideline ko kasi yang trabaho na yan hahahahhaha, bago ko kinakabet or kabitan ng bagung LCD ang cp ng customer ko is pinapaliwag ko muna sa kanila. BTW may mga type naman po ang replacement LCD. Kaya di ako sumisingil ng mataas kasi alam ko na kasi ginagawa ko.
 
yun nga tama sinabi ng isang tech na kausap ko ganyan na talaga.

the best option ko na talaga yung bumili ng defective unit na buo ang lcd na kaparehas sa unit ko.
 
yes po, best option is ganyan nalang kaso doble na yung trabaho hahahahhahaha pero at least okay na okay sya.
 
na try ko rin ito before sa tablet ko awit pinalitan nang low quality pinabalik ko sa nagrepair ang ending yung nagrepair tinanggay pa tablet ko na galing saudi
saang ka nagpagawa lodi? sa sm kasi ako lagi nag pagawa eh hindi sa mga tabi tabi
iyan yung mga siraniko na magnanakaw pa! bakit kaya may ganyang mga technician?
 
Similar threads

Back
Top