PEACE TALK: BAKIT MAHALAGA NA MAITULOY
Ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front (NDFP) ay naglalayong tapusin ang armadong tunggalian na nagaganap sa pilipinas sa pagitan ng GRP at ng CPP-NPA-NDFP sa pamamagitan ng paglutas sa armadong tunggalian.
Bakit ba may armadong labanan?
Kahirapan, kawalan ng soberanya, kawalan ng tunay na pag unlad, pang aapi at pagsasamantala ang mga dahilan kung bakit may armadong labanan.
Ang usapin sa peace talk ay hindi lamang para sa pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal. Ito ay naka ugat sa bawat interes ng mamamayan. Ang kawalan ng lupa ng magsasaka at ang kawalan ng pilipinas para sumandig sa sarili niya industriya.
Naging maingay sa balita ang pagkansela na naman ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front (NDFP) at Gobyerno ng Pilipinas (GRP) na naganap sana nitong Hunyo 28 matapos I kansela ito ni Duterte sa kadahilanan na pag aaralan muna nila ang nilalaman na usapang pangkapayapaan at ang pagkonsulta sa publiko nito.
Pero ang totoo, sa ikalimang round ng usapan, nakatakda na sanang lagdaan ng dalawang panig ang pinaka puso o mahalagang kasunduan hinggil sa mga repormang sosyo-ekonomiko, ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser). Ang pinakamahalaga na dapat mapagkasunduan Bukod sa pagbibigay-daan sa isang sabayang unilateral ceasefire sa magkabilang panig, magbebenepisyo sana dito ang milyun-milyong Pilipinong magsasaka at manggagawa. Ang kasunduan na hindi inilalathala at ibinabalita ng media.
Kasama sa lalagdaan sanang CASER:
Matapos ang paglagda sa Caser, nakatakda na sanang pag-usapan ang mga repormang pampulitika at konstitusyonal.
Sino nga ba mamamayan ang ayaw matapos ang matagal na armadong labanan at magkaroon ng kapayapaan kung ang pagkakasunduan pala dito ay para sa ikabubuti at tunay na ikauunlad ng pilipinas? Bakit ang mga kaliwang grupo pa ang nagsusulong nito na dapat ay tungkulin mismo ng pamahalaan gobyerno na maibigay sa mamamayan ang mga interes at kagalingan nito.?
“Buo ang responsabilidad ni Pangulong Duterte sa pagkabigo ng mga usapan sa mga repormang sosyo-ekonomiko dahil sa mabilis niyang pagtalikod at pagtindi ng pandarahas sa mga puwersang rebolusyonaryo at mga mamamayan,” sabi ni Julieta de Lima, tagapangulo ng NDFP Reciprocal Working Committee on Social and Economic Reforms.

- Libreng pamamahagi sa lupaing agrikultura para sa mga magsasaka, manggagawang bukid, at mangingisda;
- Nakatakdang mabilis na ipapamahagi ang lupain sa mga benepisyaryong matagal nang pinagkakaitan ng karapatan nila sa lupa;
- Lalawak ang sakop ng repormang agraryo para sakupin ang mga plantasyon at malalaking komersiyal na mga sakahan na sakop ng iba’t ibang iskema na pinatupad para iwasan ang repormang agraryo;
- May mga hakbang na ipapatupad para ipagbawal ang mapagsamantalang pangungutang at pangangalakal sa agrikultura;
- Magkakaisa sana ang NDFP at gobyerno ng Pilipinas (GRP) sa pangangailangan para sa pambansang industriyalisasyon at pagpaplano para sa pagpapaunlad ng mga industriyang Pilipino;
- Gagawa sana ng mga hakbang para masigurong matitigil ang mga dayuhang pamumuhunan na di-papabor sa pambansang ekonomiya;
- Mapoprotektahan sana ang local na mga industrialist at maliliit na empresa;
- Pahahalagahan sana ang pagsasabansa ng pampublikong mga yutitlidad tulad ng kuryente, tubig at langis;
- Pumayag na sana ang dalawang panig na tumukoy ng susing mga industriya na iindustriyalisa;
- Kikilalanin sana ang kahalagahan ng mga union at mga konseho ng mga manggagawa.

Last edited: