What's new

Pc games [medyo classic 90's]

Doon po sa mga nagtatanong kung aandar ba ang old games sa first post sa kung anong platform, ugaliin ninyong mag-google na lang for firsthand answers dahil maraming dahilan po para umandar o di umandar ang mga specific applications na yan sa inyong hardware and OS. Sa tingin ko, lahat siguro yan ay aandar sa Win7 pababa, pero sa Win8 pataas ay maaaring makuha sa compatibility mode or some 3rd party fix. Browse ninyo yung thread at malamang nabanggit na po yan dito.

Ex. CS 1.3 problem: can't start , “available memory less than 15 MB” error. Possible FIX: run in compatibility mode w/ admin rights. Run in Software mode to check if game starts normally, then switch to OpenGL mode for stability. Kung ayaw pa rin, kailangan ninyo ng ρá†ch ng Half-life engine. Meron naman nyan sa thread...kaya back-read po.

Be specific on what you encountered, detailing the application/s, the exact conditions on what happened on your pc....Baka sakaling may makasagot po sa inyo. Mahirap manghula kung kayo lang yung nakakita.
You can start looking here for answers on standard versions: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Yung link sa archive.org ay patay na dahil simula ng na-suspend sila at matagal na may outage ay maraming files ang naalis sa kanilang archives ng mag-resume. Gamit kayo ng circumvention tools like vpn kung ayaw lumitaw yung archive.org dahil sa internet restrictions or blocking. Subukan ninyo na lang mag-search query doon. Intayin nyo na lang kung bumalik na yung download option nila. Papatay-patay kasi sila. Pero mas ok kung naka-login kayo sa archive.org, and use account details for downloading using 3rd party apps or simply DL direct from browser. FYI.

Kaya, Ito na lang yung ipalit ko - mega dos games collection
Spoiler contents are visible only to Established Members.
 
Last edited by a moderator:
woah, "Memories"
Yeah, brings back memories talaga. Dahil dyan sa HL1 at CS ako unang naka-experience ng online gaming at thru lan noong late 90's from the first betas pa hanggang umabot officially sa v1.60 he he - though ang credit comes from "quake" engine. Kahit 2021 na ngayon, at lumipas man ang panahon, old games are still as fun to play with compared to the new ones - and don't treat it as trash.. Ang kailangan lang ay knowhow to use it in any hardware, platform or even improve it.
 
Cs ang pinaka nauna kong nalaro sa lahat lahat. Then nagtry na ko maglaro sa comp shop ng vice city battle realms red allert yuri hanggang sa natuto na ko mag online games. Ragna Ran o2jam. Ahahah kakamiss noon yung tipong problema ko lang nun ung panglaro ko sa comp shop at palevel sa mga rpg games.
 
Nice! Di ko naranasan yung gaming sa computer shop dahil shifter ako noon at walang oras dyan pag-uwi sa bahay, bukod sa edad he he. Ako naman, nag-umpisa sa Win98 486-DX4 CPU with 16mb Ram na isa sa company pc ko noong kasikatan ng unang CS. Bagu-bago pa yung desktop ko noon though lumabas na yung aking Pentiums at pc upomonths later - bago pa dumating yung 2000 ILOVEYOU email virus he he! Yung kumpare ko na may-ari comp. shop yung nagturo sa akin ng paggamit ng CS beta na bagong hit sa kanyang shop.
Kaya ginawa naming secret lan game yung CS beta sa aming plant gamit yung lahat ng departments na sakop sa network doon - mula admin, accounting, electrical, mechanical, production, warehouse, security...you name it). Solid secrecy on a 24-hr shift dahil sa brotherhood naming heads/supervisors noon, pati rin yung rank and files kasali, to be fair! We control the local ISP hubs for our operation, play only on breaks and dull times - thru honesty. Limited users lang kasi dahil may HW limit yung server pc noon at kailangan ng hub switching to be undetected kaya offline with bots na lang sila kung ubos na yung slots. Mafia, eka nga. Masaya kapag naka-duty kahit graveyard shift - walang tulugan he he. May parusa rin sa offenders - no access sa lan at deletion of games sa pc. We have our own internal laws kahit gaano kataas pa ang ranggo mo yayariin kita w/ or w/out your consent. That's how we operate. Taon ang binilang bago napatigil dahil sa mga pesteng mga baguhang dumating sa day shift na pasaway. Umabot naman kami hanggang CS 1.5. Mahirap kalimutan dahil one of a kind at mahirap gayahin. Kahit yung empleyadong kilala namin sa sister company, di nila kayang gawin. Isipin mo, dumadayo pa yung iba, dala yung buong pamilya tuwing linggo para maglaro lang sila sa planta he he.
 
Last edited by a moderator:

Similar threads

Users search this thread by keywords

  1. cs 1.3
  2. counter strike 1.3
  3. COunter strike PC
  4. old pc games
  5. 90s game
  6. dota allstar map
  7. old games in pc
  8. best emulators window
  9. red alert2.
  10. cnc yr
  11. counter strike 1.3 installer
  12. pc games gdrive
  13. half life 2 pc game
Back
Top