[XX='zeegreatness, c: 665470, m: 934388'][/XX]
Debit card, yan yung nilalagyan ng laman sa bank.
Yung Credit card naman utang, wala yang laman tapos uutang ka sa bank kada transaction tapos babayaran mo kada cut off. Btw may tinatawag yang credit score at kapag mas mataas yung credit score mo mas malaki pwede mong utangin. Sa Pinas 250k annually ang income na kailangan, pero may mga bank na kahit 180k annual lang kaso pwede lang yun kapag may credit card ka na sa ibang bank.
Yung prepaid debit card naman, parang debit card lang din kaso kadalasan sya ginagamit sa online. Yung gcash amex paymaya virtual card. Yang card na yan reloadable.
Ang Pinagkaiba ng Debit card sa bank at Prepaid Debit Card is yung requirements.
Si Debit Card sa Bank kadalasan may required na minumun amount na laman. For example dapat laging may atleast 300php yung card mo kung hindi babawasan yan ng fee hanggang sa maubos at iclose yung account mo.
Also kapag sa bank mas maraming gagawin sa pagkuha nyan.
Sa prepaid debit card, no need na may laman. Mas madali lang din kumuha nyan.
Yun ang dahilan kung bakit mas preferred ng mga site yung Debit at Credit Card kumpara sa Prepaid Card kasi mas credible yung info na nakapaloob doon kumpara sa prepaid card na kahit bata, kahit walang trabaho ay pwedeng pwede kumuha.