What's new

Help Pamalit kay windows defender

pugengbaliktad

Forum Veteran
Elite
hello ano po kaya maganda pamalit kay windows defender na anti virus? kasi low end laptop lang gamit ko and anlaki ng kinakain na ram ng windows def.
Thanks in advance ;)
 
Hi! Kung naghahanap ka ng alternative na lightweight anti-virus program para sa iyong low-end laptop, maaari mong subukan ang mga sumusunod:

1. Avast Free Antivirus - Ito ay isa sa mga pinakapopular na libreng anti-virus programs na magaan at madaling gamitin. Mayroon itong mga basic na security features na kailangan mo upang maprotektahan ang iyong sistema at personal na impormasyon.

2. AVG AntiVirus Free - Ito ay isa pang libreng anti-virus program na madaling gamitin at magaan. Mayroon din itong mga basic na security features tulad ng real-time protection laban sa mga virus, malware, at iba pang banta.

3. Bitdefender Antivirus Free Edition - Ito ay isa pang magaan at libreng anti-virus program na mayroong mga advanced na security features tulad ng pagprotekta sa iyong pag-surf sa internet at real-time protection laban sa mga banta.

4. Kaspersky Security Cloud Free - Ito ay isang libreng anti-virus program na mayroong advanced na security features tulad ng pagprotekta sa iyong online privacy at real-time protection laban sa mga banta. Ito ay nagbibigay ng 15-day trial para sa ρrémíùm features bago mag-shift sa libreng plano.

Sana makatulong ang mga suggestions na ito sa iyong paghahanap ng alternative na anti-virus program para sa iyong low-end laptop.
 
pangit ung suggestion ng bot wag ka gagamit ng AVG at avast napakabigat ng mga yan same as di ko pa natry bitdefender try mo ung kaspersky or hitman pro
di mo nmn tlga kailangan ng anti virus common sense nlng at DYOR sa mga idodownload at pag dodownloadan mo
 
Last edited:
Depende rin po kasi talaga sa system at device na ginagamit nyo kung ano ang mas babagay na antivirus. Yung windows may sarili naman po syang antivirus at nagdi-disable lang kung may third party antivirus ka na na-install. Kaya kung yun lang antivirus mo medyo magaan. I would assume na yung problem mo is yung background system impact ng AV medyo malaki kaya medyo noticeable yung pagbagal. Yung ESET at Kaspersky medyo maliit lang impact both sa background system and scanning.

ESET - pwedeng Internet Security o Smart Security
Kaspersky - pwedeng Security Cloud o Total Security
 
Back
Top