Pakiusap, maari kang bumalik
sa aking kamay at sa ating halik
sa ating kabaitan, sa ating bagsik.
sa mga ala-ala na lubos kong ini-ngatan
sa dating mga haplos na lagi kong nararamdaman
at sa lahat ng pagkakataon na ako ay kailangan
Pakiusap, maari kang lumapit
Kalimutan ang bukas,
hanggang bagong umaga ay sumapit.
Ikaw ang lupa, ikaw ang langit.
Ikaw ang sagot sa tanong nilang “bakit?”
Ngunit diretso ang iyong mga tingin
at ang paglingon para sayo ay isang dilim,
na patuloy kong sinundan kasama ng pagtingin,
habang unti-unting nakikita ang mga pagitan natin.
Ako’y tagapagmasid sa iyong mga piging,
sa bago mong kilala, na minamahal mo rin.
Pakiusap, bumalik ka sa akin.
Kahit gano kasakit, handa kong tanggapin.
Ikaw ang hangin, sayo ay akin
Maging isang baluti, o isang pain.
Pakiusap, lumingon ka sakin.
Sa mga ala-ala at mga bagay na atin.
Handa kong ibigay anuman ang hain
Handa palapitin ang pagitan satin.
Maging ang oras, magiging akin.
Maging kaluluwa, anumang sapitin.
Pakiusap, mahal ko,
bumalik ka sa akin.