What's new

Pagtulong sa Pinsan

Kaplok Kaplok

Forum Veteran
Elite
Joined
Oct 19, 2020
Posts
2,987
Reaction
1,289
Points
1,006
So kaunting background, lalake ako, nasa ibang bansa ako, may asawa at may anak sanggol. Si insan naman ay mas may edad sakin ng dalawang taon, lesbian na may kalive-in, nakatira kasama ang ama nya sa matandang bahay ng lolo namin. Na-stroke dati ung tatay niya kaya alagain. Hindi siya tapos sa pag-aaral at limitado ang mga trabaho na pwede pasukan. Maliit lng kasi ang katawan nya, at ayaw nya ung mga trabaho na tradisyonal na pambabae gaya ng mga cashier, diser atbp.

6 weeks ago, nag message sya sakin. Malapit na daw birthday nya "beke nemen". Mejo inis ako dahil hindi nmn ako binabiti nito pag birthday ko, tpos ang dating parang obligasyon ko ang birthday nya. Kinausap ko ang asawa ko, sabi nya bigyan ko na daw. Ineexpect ko na ito dahil mejo sa pananaw ni misis marami na kami naibigay sa side ng pamilya nya. Nakapagpatayo n kami ng bahay kung saan nakatira ang magulang nya. So balewala lang magbigay ng pangpabirthday sa side nmn ng pamilya ko.

3 weeks ago, nag message nnman si pinsan. "Nanghihiram" ng 700 pambayad sa motor. Btw 2k ang nakuha nya pambirthday ha. So sa isip ko bakit wala manlang sya naitabi para sa ganyang kaimportanteng bagay tulad ng motor. (Sarcastic yan, dahil malapit nmn trabaho nya sa kanila). Nagbigay ulit kami ng 1k, kasi sabi ni misis minsan lng nmn. Take note "utang" dapat yan originally.

Ngayon, nag message ulit. Kailangan daw magkumpleto ng requirements sa trabaho.
Screenshot_20230512_064059_Messenger.jpg
Syempre, meron pang speil na " pasensya na, laging ako. Babawi nalang pag nakaluwag. Last na talaga ito kailangan lang tlaga."

So far hindi pa ako nagbibigay at wala pa akong plano. Sa totoo lang parang ayaw ko na.

Tinutulungan din siya ng tiyuhin namin. Pinagpagawa pa nga ng bahay "para matuto sa buhay ng mag-isa". (Sa totoo lang that does not make sense to me. Maiiwan lang mag-isa ung tatay nya kaya pabor pa sakanya yun. Free bahay pa.) Consider pa natin na nung pangalawang instance na utang dapat na sisingilin, dinoble ko na at walang singilan.

On the other hand, itong paghahanap ng trabaho nmn ay nakikita kong daan nya para maging self-reliant. Kya partly gusto ko din sana. Wala nmn akong problema doon sa halaga. Ang problema ko ay baka ako pa nagtuturo sakanya maging dependent sa pagtulong ko.

Ano opinyon nyo dito mga ka-phc? Ano gagawin mo kung ikaw ako?
 

Attachments

Last edited:
Pagisipan mo TS , baka maging spoiled sayo, tapos pag di mo pinagbigyan for sure “madamot” kana.
 
For the person to always look at you kapag kelangan nya ng tulong, feeling ko umaabuso na. Sigurado akong marami syang pwedeng lapitan para dyan pero ikaw talaga ang kinakausap. Kelangan nyang maging self-sufficient lalo't may inaalagaan at may ka-live in sya. Kung tutuusin nga dapat dun sya sa live-in partner nya humingi.
 
kapal ng mukha ng pinsan mo totoo lang may ganayn din ako relatives pinsan din eh inabutan mo ng tulong pero pag naingalangan kayo ang takbuhan tigas ng mukha di ba?

isa din yan sa rason bakit di ko sila pinagkakausap kala mo me mga patago palibhasa nasanay na tinutulungan ni erpats.

pero tang ina may kailive in tapos ngnahihingi sayo? porket nasa abroad ka at may naipundar, pati panghulog ng motor? aba matindi
 

Similar threads

Back
Top