What's new

Closed Paano tayo dapat manalangin sa diyos?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570
ISANG napakalaking pribilehiyo ang manalangin sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat at sabihin sa kaniya ang ating niloloob. Pero marami ang hindi nakatitiyak kung paano nga ba mananalangin, at gusto naman ng iba na mapasulong pa ang kanilang panalangin. Ganiyan ang nadama ng ilang tagasunod ni Jesu-Kristo noon. Isa sa kanila ang humiling sa kaniya: “Panginoon, turuan mo kaming manalangin.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bilang tugon, itinuro ni Jesus sa kanila ang isang modelong panalangin, na madalas tawaging Panalangin ng Panginoon o Ama Namin. Ang maganda pero simpleng panalanging ito ay tumutulong sa atin na makalapit sa Diyos sa tamang paraan at maunawaan ang pangunahing mensahe ng Bibliya.

Ang Modelong Panalangin ni Jesus

Sinabi ni Jesus: “Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming tinapay para sa araw na ito; at patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang, kung paanong pinatawad din namin ang mga may utang sa amin. At huwag mo kaming dalhin sa tukso, kundi iligtas mo kami mula sa isa na balakyot.’”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Pansinin na sinabi ni Jesus: “Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan.” Bakit kaya? Dahil ayaw ni Jesus na basta ulit-ulitin ng mga tagasunod niya ang pananalitang ginamit niya. Sa katunayan, kababanggit lang niya na huwag itong gawin. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa halip, itinuturo niya sa kaniyang panalangin kung ano ang dapat na maging priyoridad—kung ano ang mahalaga sa paningin ng Diyos, hindi lang sa paningin natin. Para maunawaan ang mga priyoridad na iyon, kailangan nating maintindihan ang mga pananalita ni Jesus. Kaya isa-isa nating suriin ang mga iyon.

Ang Kahulugan ng Modelong Panalangin

“Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan.” Angkop lang na “Ama” ang itawag ni Jesus sa Diyos dahil Siya ay mapagmahal at mapagmalasakit, gaya ng isang mabait na tatay. May personal na pangalan din siya—Jehova—na iba pa sa kaniyang maraming titulo, gaya ng Makapangyarihan-sa-lahat, Diyos, at Panginoon.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.(You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero bakit ang pangalan ng Diyos, na nagsasangkot sa kaniyang reputasyon, ay kailangang pakabanalin, o gawing banal? Dahil iyon ay dinusta at siniraang-puri.

Isinisisi ng ilang tao sa Diyos ang kanilang mga pagdurusa, gayong iyon ay maaaring kagagawan na rin ng tao o dahil lang sa isang di-inaasahang pangyayari. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinasabi naman ng iba na ang Diyos ang may kagagawan ng likas na mga sakuna. Gayunman, sinasabi ng Bibliya na “sa masasamang bagay ay hindi masusubok ang Diyos ni sinusubok man niya ang sinuman.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) At itinuturo ng maraming relihiyon na ang masasama ay pinahihirapan ng Diyos magpakailanman sa isang maapoy na impiyerno, isang turo na tiyak na nakakagalit sa Diyos ng pag-ibig. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.:5; You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinasabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na “ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamatayan,” hindi walang-hanggang pagpapahirap!You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

“Dumating nawa ang iyong kaharian.” Ang Kaharian ng Diyos ay isang gobyerno na ang hari ay si Jesu-Kristo. Malapit na niyang pamahalaan ang buong lupa. “Sa kaniya ay may ibinigay na pamamahala at dangal at kaharian,” ang sabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. ‘Darating’ ang Kaharian ng Diyos kapag nakialam na ito sa mga nangyayari sa lupa, anupat dudurugin ang lahat ng gobyerno ng tao at pamamahalaan ang buong lupa.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

“Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” Sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian, ang mga tao ay magpapasakop sa kalooban ng Diyos. Kaya naman iiral ang tunay na kapayapaan at lahat ng tao ay sasamba sa Diyos kaayon ng kaniyang kalooban. Mawawala na ang huwad na relihiyon at ang pulitikang sanhi ng pagkakabaha-bahagi. Sa makasagisag na paraan, “ang tolda ng Diyos” ay mananahan sa “sangkatauhan,” ang sabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., “at papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”

“Ibigay mo sa amin ngayon ang aming tinapay para sa araw na ito.” Matapos bigyang-priyoridad ang pangalan at Kaharian ng Diyos, ibinaling naman ni Jesus ang pansin sa ating mga pangangailangan. Ipinahihiwatig ng sinabi niya na dapat nating iwasang maghangad ng higit sa kailangan natin “sa araw na ito.” Sa halip, dapat nating sundin ang payo sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Huwag mo akong bigyan ng karalitaan ni ng kayamanan man. Ipaubos mo sa akin ang pagkaing itinakda para sa akin.”

“Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang, kung paanong pinatawad din namin ang mga may utang sa amin.” Dito, ang “pagkakautang” ay tumutukoy sa “kasalanan.”You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.Obligasyon nating lahat na sumunod sa Diyos. Kaya kapag sumusuway tayo sa kaniya, o nagkakasala, para tayong nagkakautang. Pero handa si Jehova na patawarin ang utang na iyon kapag pinatatawad natin ang mga nagkakasala sa atin.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

“Huwag mo kaming dalhin sa tukso, kundi iligtas mo kami mula sa isa na balakyot.” Ang “isa na balakyot” ay si Satanas na Diyablo, na tinatawag ding “Manunukso.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Dahil mahina ang ating di-sakdal na laman, kailangan natin ang tulong ng Diyos para malabanan si Satanas at ang mga taong ginagamit niya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Makatulong sana sa iyo ang modelong panalangin ni Jesus para mapasulong pa ang iyong panalangin, marahil para maiwasto ang iyong priyoridad. At batay sa panalanging iyon, ano ang pangunahing mensahe ng Bibliya? Kaayon ng pananalita ni Jesus, ito ay ang pagpapabanal sa pangalan ng Diyos, ang pag-aalis sa lahat ng kasamaan, at ang mapayapang pamamahala sa lupa ng Kaharian ng Diyos. Oo, punung-puno ng kahulugan ang modelong panalangin ni Jesus!

[Mga talababa]

Sa orihinal na mga wika ng Bibliya, pangunahin na ang Hebreo at Griego, ang pangalan ng Diyos ay mababasa nang mga 7,000 beses. Nakalulungkot na sa maraming modernong bersiyon, ang mga titulo ng Diyos ang ginagamit sa halip na ang banal na pangalan niya.

Ang mga patay ay hindi buháy sa ibang anyo kundi ‘natutulog,’ o “walang anumang kabatiran,” habang naghihintay ng pagkabuhay-muli.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Tingnan ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., kung saan parehong ginamit ang dalawang salitang ito.

NAPAG-ISIP-ISIP MO NA BA?

● Ano ang ibig sabihin ni Jesus sa pananalitang “Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan”?—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

● Karaniwan na, ano ang mga dapat nating unahin sa ating panalangin?—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

● Ano ang ‘ating mga pagkakautang,’ at bakit dapat nating patawarin ang mga nagkakasala sa atin?—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top