What's new

Closed Paano mo makikilala ang tunay na relihiyon?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570
1.Iisang relihiyon lang ang itinuro ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod, at iyon ang tunay na relihiyon. Para itong isang daan na patungo sa buhay na walang hanggan. Pero sinabi ni Jesus: “Kakaunti ang mga nakasusumpong” sa daang ito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tanging ang pagsambang nakasalig sa mga katotohanang nasa Bibliya ang tinatanggap ng Diyos. Ang lahat ng tunay na Kristiyano ay nagkakaisa sa iisang pananampalataya.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

2. Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa mga di-tunay na Kristiyano?
1102012192_univ_cnt_2_md.jpg
“Hayagan nilang sinasabi na kilala nila ang Diyos, ngunit itinatatwa nila siya sa pamamagitan ng kanilang mga gawa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Nagbabala si Jesus na ang mga bulaang propeta ay magpapasok ng mga maling turo sa Kristiyanismo. Sa unang tingin, para silang mga tunay na Kristiyano. Sinasabi nilang Kristiyanong relihiyon sila. Pero puwede mong malaman kung totoo nga sila. Paano? Ang tunay na pagsamba lang ang puwedeng pagmulan ng mga totoong Kristiyano, at makikilala mo sila sa kanilang paggawi’t pamumuhay.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

3. Paano mo makikilala ang mga tunay na Kristiyano?
Pag-isipan ang limang pagkakakilanlang ito:

  • Iginagalang ng mga tunay na Kristiyano ang Bibliya bilang Salita ng Diyos. Sinisikap nilang mamuhay ayon sa mga simulain o prinsipyo nito. Kaya ang tunay na relihiyon ay ibang-iba sa relihiyong batay lamang sa kaisipan ng tao. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ginagawa ng mga tunay na Kristiyano kung ano ang kanilang ipinangangaral.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • 1102012192_univ_cnt_3_md.jpg
    Pinararangalan ng tunay na mga tagasunod ni Jesus ang pangalan ng Diyos—Jehova. Pinarangalan ni Jesus ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa pamamagitan ng paghahayag sa pangalang ito. Tinulungan niya ang mga tao na makilala ang Diyos at tinuruan silang ipanalangin ang pagpapabanal sa pangalan ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa lugar ninyo, aling relihiyon ang nagpapakilala sa pangalan ng Diyos?—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • Ang mga tunay na Kristiyano ay nangangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos. Isinugo ng Diyos si Jesus para ipangaral ang mabuting balita ng Kaharian. Ang Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa ng mga tao. Ipinangaral ito ni Jesus hanggang sa araw na mamatay siya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinabi niya na ipangangaral ito ng kaniyang mga tagasunod. Kapag may nakipag-usap sa iyo tungkol sa Kaharian ng Diyos, ano sa palagay mo ang relihiyon niya?—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • Ang mga tagasunod ni Jesus ay hindi bahagi ng masamang sanlibutang ito. Hindi sila nakikisali sa pulitika o nakikisangkot sa mga kaguluhan sa lipunan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi rin nila tinutularan ang masasamang gawain at pag-uugali ng mga tao sa sanlibutang ito.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • Ang mga tunay na Kristiyano ay may namumukod-tanging pag-ibig sa isa’t isa. Natutuhan nila sa Salita ng Diyos na igalang ang mga tao anuman ang kanilang lahi. Di-gaya ng mga huwad na relihiyon na parating sumusuporta sa mga digmaan, ang mga tunay na Kristiyano ay hindi nakikisangkot dito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa halip, ginagamit nila ang kanilang panahon, pera, at lakas para tulungan at palakasin ang pananampalataya ng iba.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
4. Matutukoy mo ba kung aling relihiyon ang tunay?
Aling relihiyon ang masasabing nagtuturo batay sa Salita ng Diyos, nagpaparangal sa pangalan ng Diyos, at naghahayag na ang Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa ng mga tao? Aling relihiyon ang nagpapakita ng pag-ibig at hindi sumusuporta sa digmaan? Ano sa tingin mo?—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 

Attachments

Opinyon ko lang po.
Ang tunay na relihiyon (kristyano) ay dapat mas matanda kaysa sa Biblia.
Hindi yung Biblia muna bago sumibol ang 40,000 sekta/relihiyon (kristyano).
 
Opinyon ko lang po.
Ang tunay na relihiyon (kristyano) ay dapat mas matanda kaysa sa Biblia.
Hindi yung Biblia muna bago sumibol ang 40,000 sekta/relihiyon (kristyano).
Alamo mo ba kung ano ibig sabihin ng bible? At Alam mo ba kung gaano katagal bago nakumpleto isulat ang bible?
 
Makikilala mo ang tunay na relihiyon sa turo niya. Lahat ba ng turo niya, nasusulat? O may dagdag? May bawas? Dapat, sakto.

Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na HUWAG MAGSIHIGIT SA MGA BAGAY NA NANGASUSULAT; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.

1 Corinto 4:6 (TAB)


Sa PANGALAN palang ng relihiyon, hanapin mo kung nasa Biblia ba. Kung hindi, mali na yun. Hindi nga nakasulat eh.
 
Di natin kelangan ang relihiyon, dahil d tayo maliligtas nag relihiyon, Si Jesus ang daan at siya lamang. hindi kung ano mang sekta ng relihiyon, kung ang pinaniniwalaan mu ay relihiyon ang mag sasalba sayo nagkakamali ka kapatid dahil hindi natin maiipon kahit gawin natin ang mabuti dahil makasalanan tayo. kundi dahil kay Cristo.
Ephesians 2:8-9 New International Version (NIV)
8 For it is by grace you have been saved, through faith—and this is not from yourselves, it is the gift of God— 9 not by works, so that no one can boast.

at hindi sinasabing religion ang daan kundi ang Panginoong Hesus.

John 14:6 New International Version (NIV)
6 Jesus answered, “I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me.

kaya kung may nagsasabi sa inyo na religion ang daan, wag po kayong maniwala, ang Panginoong Hesus lang ang daan. salamat.
 
Di natin kelangan ang relihiyon, dahil d tayo maliligtas nag relihiyon, Si Jesus ang daan at siya lamang. hindi kung ano mang sekta ng relihiyon, kung ang pinaniniwalaan mu ay relihiyon ang mag sasalba sayo nagkakamali ka kapatid dahil hindi natin maiipon kahit gawin natin ang mabuti dahil makasalanan tayo. kundi dahil kay Cristo.
Ephesians 2:8-9 New International Version (NIV)
8 For it is by grace you have been saved, through faith—and this is not from yourselves, it is the gift of God— 9 not by works, so that no one can boast.

at hindi sinasabing religion ang daan kundi ang Panginoong Hesus.

John 14:6 New International Version (NIV)
6 Jesus answered, “I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me.

kaya kung may nagsasabi sa inyo na religion ang daan, wag po kayong maniwala, ang Panginoong Hesus lang ang daan. salamat.


Alam mo ba kung ano ang kahulugan ng relihiyon?

Pakita ko sayo

Relihiyon

Kahulugan: Isang anyo ng pagsamba. Saklaw nito ang isang sistema ng relihiyosong mga saloobin, paniniwala, at gawain; ang mga ito’y maaaring personal, o kaya’y itinataguyod ng isang organisasyon. Kadalasan ang relihiyon ay nagsasangkot ng paniniwala sa Diyos o sa maraming diyos; o dinidiyos nito ang mga tao, mga bagay, mga mithiin, o mga puwersa. Nasasalig ang maraming relihiyon sa pag-aaral ng tao sa kalikasan; naroon din ang inihayag na relihiyon. Mayroong tunay na relihiyon at mayroon ding huwad na relihiyon.
 
Ang salitang Griego na isinaling “anyo ng pagsamba,” o “relihiyon,” ay thre·skeiʹa. Sa AGreek-English Lexicon of the New Testament ang kahulugan ng salitang ito ay “ang pagsamba sa Diyos, relihiyon, lalu [na] ayon sa pagpapahayag nito sa relihiyosong serbisyo o kulto.” Ang Theological Dictionary of the New Testament ay nagbibigay ng higit pang mga detalye, na nagsasabi: “Ang kasaysayan ng salita ay pinagtatalunan; . . . ang modernong mga iskolar ay pabor sa pagkakaroon ng kaugnayan sa therap- (‘maglingkod’). . . . Mapapansin din ang pagkakaiba ng kahulugan. Ang mabuting diwa ay ang ‘relihiyosong sigasig’ . . . , ‘pagsamba sa Diyos,’ ‘relihiyon.’ . . . Subalit mayroon din naman itong masamang diwa, samakatuwid baga, ‘relihiyosong pagmamalabis,’ ‘maling pagsamba.’ ” Sa gayon, ang thre·skeiʹa ay maaaring isaling “relihiyon” o “anyo ng pagsamba,” mabuti man o masama.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Ang (anyo ng pagsamba o relihiyon) na malinis at walang dungis sa pangmalas ng ating Diyos at Ama ay ito: alagaan ang mga ulila at mga babaing balo sa kanilang kapighatian, at ingatan ang sarili na walang batik mula sa sanlibutan.
 
Basta nag uukol ka ng pagsamba mag isa ka man o grupo sa pinaniniwalaan mong diyos o anupaman yan.. matatawag na relihiyon yun! Kung naniniwala ka sa Diyos at sumasamba ka... may relihiyon ka.
 
Gaya ng sinabi ng P. Jesus dalawa lang ang daan, isang makipot na daan papunta sa buhay na walang hanggan at isang maluwang na daan patungo sa pagkapukasa... ganyan din sa relihiyon may isang tunay at may isang huwad.. ang tunay na relihiyon sabi ni Jesus ay makikilala sa bunga nito... kailangan nagluluwal ito ng maiinam na bunga ibig sabihin sinasabuhay ng mga miyembro nito ang ipinapangaral nila, tinutularan nila si Jesus bilang parisan at sinusunod nila ang pamantayan ng bibliya sa kanilang buhay.
 
Alamo mo ba kung ano ibig sabihin ng bible? At Alam mo ba kung gaano katagal bago nakumpleto isulat ang bible?

Alam ko kasi ang mga naunang kristyano ang naghanap, pinag isa at naglimbag nito.
pero nung lumaganap na ito d2 naman bumunga ng maraming sekta mula noong 16th century hanggang sa kasalukuyan ay mayroon ng 40,000 sects.
Kaya kung history ang pag babasehan ang tunay na relihiyong kristyano ay nagsimula noong bago lumabas ang Biblia.
 
Alam ko kasi ang mga naunang kristyano ang naghanap, pinag isa at naglimbag nito.
pero nung lumaganap na ito d2 naman bumunga ng maraming sekta mula noong 16th century hanggang sa kasalukuyan ay mayroon ng 40,000 sects.
Kaya kung history ang pag babasehan ang tunay na relihiyong kristyano ay nagsimula noong bago lumabas ang Biblia.

Tama naman may tunay na relihiyong kristiyano na nung hindi pa nakukumpleto ang bible....pero nung time ni Jesus naisulat na ang lumang tipan at binabasa na nila yun at pinag aaralan doon nakasalig yung kanilang mga paniniwala tungkol sa Diyos..

hindi bible ang may mali dito.. yung mga tao ang may mali na nagbigay sa bible na kanilang sari-sariling interpretasyon na lihis sa katotohanan...
 
Last edited:
Alam mo ba kung ano ang kahulugan ng relihiyon?

Pakita ko sayo

Relihiyon

Kahulugan: Isang anyo ng pagsamba. Saklaw nito ang isang sistema ng relihiyosong mga saloobin, paniniwala, at gawain; ang mga ito’y maaaring personal, o kaya’y itinataguyod ng isang organisasyon. Kadalasan ang relihiyon ay nagsasangkot ng paniniwala sa Diyos o sa maraming diyos; o dinidiyos nito ang mga tao, mga bagay, mga mithiin, o mga puwersa. Nasasalig ang maraming relihiyon sa pag-aaral ng tao sa kalikasan; naroon din ang inihayag na relihiyon. Mayroong tunay na relihiyon at mayroon ding huwad na relihiyon.

Kahit may relihiyon ka kung wla kang Jesus. Hindi ka maliligtas.
 
Lahatin na natin ang mga religion sa mundo. kung ang Religion tumatanggap ng Donation/Abuloy/love offering/Hain/Etc. in short "PERA" sa Kahit kaninong Tao na hindi pa naman nila Member sa Iglesia.
Surely Fake yan!
sa ganito mapapa kaunti natin ang pagpipiliang RELIGION sa mundo kasi.
Ang Diyos ay hindi tumatanggap ng HAIN NG MASASAMA.

"Kawikaan 15:You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran."

Parang kwento ni Abel at Cain pareho silang nag HAIN sa Diyos pero hindi tinanggap ang hain ng isa kasi sabi sa 1juan 1:You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.Hindi gaya ni Cain na siya'y sa masama, at pinatay ang kaniyang kapatid. At bakit niya pinatay? Sapagka't ang kaniyang mga gawa ay masasama, at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid.

dito natin umpisahan ang paghahanap ng totoong religion dahil konti nlang ang matitira o isa na lang talaga ang hindi MATAKAW sa pera.

Tanong: ang religion mo ba tumatanggap sa kahit kaninong tao na pumasok sa inyong kapilya/simbahan/etc.????
 
Bat kulang ang sumulat na apostoles ni cristo sa bibliya dba dapat kompleto cla magkasama naman cla sa panahon ni cristo?
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top