What's new

Pa advice po

adrianne12345

Eternal Poster
Joined
Jun 27, 2015
Posts
295
Reaction
1,017
Points
257
Age
26
Hi po ka PHC pa advice nman po sa ng yari sa akin po recently lang kasi nalaman ko yung GF ko meron ng ibang ka chat and worst part nag sama na sila not once. Na kuha kulang lahat ng info galing sa mga kakilala ko then yun na conform ko na nga nag cheat talaga sya. Then nag usap kami tapos pina pili ko sya tapos pinili nya yung lalaki pero binawi nya yung salita after 3 days hindi na kami nag usap. Sabi nya Na hindi nya talaga intention na ma sabi nya nga yung lalaki na pili na dala lang daw sya sa galit emotional nya hindi ako na niwala agad then sabi then nya hindi na raw sila nag chat at hindi na rin sila nag kita sa lalaki. Na wala talaga yung tiwala ko sa kanya nag uusap pa man kami kasi classmate kami sa isang subject namin sa college. pero hindi na tulad ng dati talaga. Na lilito lang talaga gusto ko pero wala na akong tiwala kasi. anong advice ninyo po?
 
Think twice pre. Cheating is not an option but a choice. Ginawa niya yun kahit na kayo pa and if tatanggapin mo ulit siya, hindi imposibleng gawin niya ulit yun sayo. 3 days palang ang nakakalipas pre, sobrang liit na panahon palang ang nakakalipas after ng hiwalayan niyo, maaring dahilan lang ng padalos-dalos na desisyon yung mga naririnig mo sa kanya. May pinagsamahan kayo oo, pero mahirap ng i-consider ang isang bagay na alam mong nasayang na kahit na matagal pa yan. Hindi fair yung nangyari sayo eh, and if itutuloy mo yan maaring mental health mo pa ang masira ng tuluyan dahil sa continuation ng trust issue mo sa kanya. Pinili niya pa yung lalaki niya pre, sobrang red flag non kung tatanggapin mo pa ulit. Naranasan mo ng hindi mapili tas aantayin mo pa ba na maranasan ulit sa iisang tao lang? If may issue man kayo sa relasyon niyo kaya nagkaganun, hindi parin tama na magcheat siya. Kaya i-consider mo muna pre kung maayos niyo pa yung naging reason, kung mapapagkatiwalaan mo pa siya sa kabila ng ginawa niya, na hindi mo lang siya babalikan para makaganti. If mag work ulit kayo good, but if not, good luck sa stress na maidudulot niyan sayo lalo na't college ka din kagaya ko. Stressful sa college pre kaya ingat sa sugal na papasukin mo.
 
Mabuting hiwalayan mo na talaga idol, naranasan ko na yan , yung tiwala talaga mawawala, sasaya ka kasi nagkaayos kayo pero babalik lahat nyan at pagaawayan nyo ulit kaya mas mabuti png tapusin mo na yan
 
Hiwalayan mo na. Dahil kahit makuha mo siya hnd ka magiging masaya sa kalagayan mo. Kahit best case scenario na hnd na niya yan ulitin, paranoia will eat on you.

At mas malala pa kung sa pananaw nya, she got you played.

Kaya tayo nagrerelasyon is to bring out the best in ourselves. Clearly, this will not do that for you.
 
pag nagloko na lods ang partner, move on ang kailangan gawin. hindi na yan pwede maayos pa, unless kong gusto mo magpakatanga sa kanya. Kung mayron kaman nararamdaman yan ay galit, at kung kayo pa rin at mapatawad mo sya hindi rin magtatagal babalik at babalik parin yang galit mo. parehas lang kayo magiging miserable
 
maybe na ghost sya and since nagsama sila maybe nakuha na yung lalaki yung gusto niya. Kaya ito binabalikan ka. Ang masasabi ko lang wag kana mag stay, madami pa naman dyan na pwde ipalit
 
Itigil mo na. Yes, lahat ay deserving sa second chances but ikaw rin mahihirapan diyan. You need to move forward, work on being better, accept and go on with your life without her. Kapag nagkabalikan kayo niyan, 'yong lost of trust mo sa kan'ya ay ha-huhuntingin ka lang lagi. Palaging may dalawang posibilidad, it's either maging masaya ulit kayo or mapunta lang kayo sa toxic relationship. Maybe that is redirection and she is only a lesson for you. Take time to heal na. It is easier said than done but you need to help yourself, dear.
 

Similar threads

Back
Top