What's new

Closed Pa advice po plss huhuhu

Status
Not open for further replies.
Tama yung magSet up ng camera dapat di kita yung camera pero nakarecord ang certain view ng kwarto lalo na sa higaan. Evidence yan para sa sexual harassment. Patulong ka rin sa ibang kapamilya. Pwede ring ikaw na magpunta at magreport sa pulis.
Pwede mo ring ikontak real father mo at sabihin mo yan.
Lock mo lagi pinto ng kwarto mo.
 
hiwalay ang real parents mo.

1.iniwan kayo ng father mo ng ikaw ay grade 5 pa
2.ikaw nag-aalaga ng anak ng ate mo.
3.pinagtangkaan ka ng step father mo at ang mother mo hindi naniniwala kasi bulag sa pagibig.

kung ano man mababasa mo dito sa reply ko nasa sayo nalang.

1. pwede mong kontakin ang father mo kung gusto mo siya makausap/makita doon mo din malalaman ang response niya kung want niya rin na makikilala ka niya. (goodluck dito)
and kwento mo din yung hindi magandang pangyayari diyan.

3. dahil bulag ang mama mo sa pagibig hindi siya maniniwala sa pagtangka sayo hanggat wala kang patunay na narape ka talaga (literal na mangyayari. maraming ganyang issue lalo na kapag hiwalay ang real parents mo at nasa side ka pa ng mother mo.

kahit mag pa blater ka sa barangay syempre sasabihin ng mama mo (ano gumagawa ka ng iskandalo etc) mahirap din labanan ang magulang sa mga ganyan issue

kung sa police naman depende pa kasi kung let say nagtangka lang tapos gusto mo maparusahan
sisingit dito ang mother mo kung bakit mo ginagawa ito. (dito malalaman kung maniniwala siya sayo or hindi) hindi natin alam.

-wag mong hahayaan na mag-isa ka lang sa bahay lalo na kung dalawa lang kayo ng step father mong (malibog) just in case na mangyari ito mag-gala ka nalang or tumambay sa ilang kaibigan/kamag anak sama mo yung inaalagaan mo (kung gusto mo)

-about sa kwarto wag kang kampante kung doorknob lang ang main lock mo maglagay ka din ng karagdagang lock sa loob.

-kung hindi ka na makatiis since 18years old ka na. nasa sayo kung gusto mong bumukod.
kung hirap ka pa sa magiging gastos maaari ka munang humingi ng tulong sa kapatid mong nasa saudi / kamag-anak makituloy muna at ipaliwanag sa kanya ang dahilan mo kung bakit ka bumukod.

2. ang consequence dito ay maiiwan ang kapatid mong isa dahil for sure hindi papayag ang mama mo na isama mo siya kung gusto mo siyang isama at hindi din papayag ang mama mo na bumukod ka..(sasabihin ng mother: kaya mo na ba sarili mo kaya mo na ba buhayin sarili mo saan ka kukuha ng panggastos "kung wala kang trabaho ito ang sasabihin niya: 'wala kang trabaho saan ka pupulutin'" bakit ka aalis ha?)

kaya ang pwede mo lang magawa ay mag lumayas sa inyo. kung gusto mo talaga kaya yung mga ganitong bagay (pinag isipan mong maigi) mahirap na magsisi sa huli.

what if marape ka tapos nabuntis ka? tingin mo maniniwala mama mo na step father mo ang tatay syempre hindi ang iisipin ng mother mo nabuntis ka ng iba.

sa totoo lang mahirap kasi mag-stay sa ganyang bahay lalo na kung may ganyan tapos yung real mother mo hindi pa naniniwala.
 
Parang malungkot na teleserye na buhay mo maam ah.
ang gawen mo maam mag move on ka nasa papa mo. Ganun tlaga ang nangyare e .pabayaan mo nalang na masaya sya.
ang problemahin mo maam yung hinayupak mong step dad.
Tama yung sinabe nila. Ivideo mo maam. Magsetup ka ng cam. Saka bili ka dn ng balisong yung maliit lang.palage mo dalhin yon.
 
sumbong mo sa police at sa mga kamag anak mo.. magdoble ingat kana ngayon alam mo ng may balak si step father mo.. magtago ka ng bagay na pang self defence.. sa tunay na father mo naman unfriend mo na sa fb at move on na.. ingat kayo ng mama mo..
 
ts..
..Sa pagkakataong ito 'wag mo munang intindihin ang kagustuhan at kung ano ang paniwala ng mother mo sa nangyayari sayo.. hindi naman sa tinuturuan kita ng masama para sa mother mo. dahil pagkababae mo ang nakasalalay dito, wag mong hayaang masira ka at 'wag ka sanang mapanghinaan ng loob, humingi ka na ng tulong at e-blotter mo na yan..
..Pilitin mo ring makaiwas dyan sa lalaking yan.. baka may sakit na sya (alam mo na).. depensahan mo ang sarili mo..
Mas maige na yung nakahanda ka habang maaga pa...
..Pero mas makabubuti sana kung umalis ka muna sa bahay na yan. Baka maniwala pa ang mother mo sayo na totoo ang sinasabi mo sa kanya...

..Maging alerto ka sana at pakaingatan mo ang sarili mo.
 
Umalis ka na dyan sa bahay niyo at isama mo pamangkin mo. Baka ma rape ka pa ng demonyong step father mo.
 
set up ka ng usapan kasama yang step dad mo den open mo ung topik about sa pag tangka niya.... ung kayo lang den (make sure na aamin siya)record mo agad.... pero dapat may kasabwat ka na lalake na tutulong sayo if ever pagtatangkaan ka niya ulit ...dapat nakaabang lang sa labas ng bahay para unang sigaw mo plang makakasaklolo siya agad sayo.. pero mas ok if pulis kasabwat mo
 
My gosh teh ! dapat report mo na agad sa pulis. Magkasama kayo ng step-dad mo sa iisang bahay kahit sabihing nilolock mo ung kwarto mo, kapag natyempuhan kang mag isa nyan malamang magtry ulit yan. Mas ok na magsumbong sa pulis o kaya sa dswd, tutulungan ka nila.
 
Install a hidden camera for evidence in the future to use against your step father. If your mother is of no help at all, consider consulting to Violence Against Women Desk in your baranggay.
 
sana makakuha ka ng lakas ng loob na i-report sa kinauukulan yang problema mo. hindi naman sa maghintay ka ng pruweba, pero gawa ka ng paraan para mapatunayan lahat ng ginagawa niya sa'yo. nakakalungkot na nagdududa pa yung nanay mo, at parang mag-isa ka lang sa mundo. nasabi mo ba sa ate mo? sa ibang relatives? o kaya.... sa real dad mo? may communication pa ba kayo...? hayyy... sana mabalitaan mo kami na okay na ang lahat. be strong.
 
isabi mo sa ate mo yong pagtatangka sayo, kasi pwede ka nya matulongan dahil nasa sayo nman ang bata.

pwede ka mag rent ng matutuluyan piliin mo lang yong lady boarders only, para makalayo sa step dad mo, isa yan sa pinaka safe na paraan, ang umiwas ka sa ganyang mga klaseng tao.
 
Hindi mo ba pede kausapin ung real dad mo about sa situation mo? Nagsabi ka na ba sa ate mo? Mas maiigi kausapin mo daddy mo at baka sya makatulong sayo. Maatim ba nya na nasa ganyang lugar ka? Sariling dugo at laman nya pababayaan nya lang?
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top