What's new

OUR STORY

Darryl25

Honorary Poster
Established
Joined
Oct 30, 2016
Posts
525
Reaction
149
Points
201
Hi. I just want to share my story, our story rather. By the way I'm bisexual and discreet. So alam niyo na hehehe. Para di kayo maguluhan. Sorry rin kung di masyadong maganda ung pag kwento ko, sana maintindihan niyo nlang heheh.

---

Nagkakilala kami at naging kami way back 2014 (First Year College). Classmate kami at same kami ng course, for 1 year tinago namin yung relationship namin sa iba, parang barkada lng kami at classmate lng tlaga turingan namin pag sa public. Dahil narin siguro that time di pa masyadong acceptable ang LGBTQ. Choice narin namin itago kasi parang nasa getting to know each other stage pa lng naman din kasi kami. Pero pag kami lng. Sa aming dalawa, siya yung medyo may kaya sa buhay, ako naman working student sa isang fast food. Pero di yung naging hindrance sa relasyon namin at sa studies ko. Most of our dates, gastos niya lagi, mahilig siya magbigay ng gifts, ako namn naiintindihan niya kasi self support ako. Pero di parin niya ako iniwan.

Fast forward, 4th year na kami and nalalapit narin graduation namin, classmate parin kami at partner rin sa Research. Graduation Day, inamin na namin relationship namin sa pamilya namin, and thanks God tinanggap namn nila ng buo, both side. And that was the best graduation gift ever. Naging open na kami, every may occasion invited ang bawat pamilya namin.

(2018) Sabay rin kami nag review for LET, sabay nag exam, at sabay pumasa. And we're both LPTs na.

(2019) Nung nag start na kami mag work, even though magkaiba kami ng tinuturuang school, wala paring nagbago sa relationship namin. We're still OKAY and GETTING STRONGER. Yung nagka luwag luwag kami at nakaipon ng kunti, nagplano kami kumuha ng sarili naming lupa para pagtayuan namin ng sarili naming bahay.

Until 2020 dumaan ang Pandemic, minsang nlang kami magkita dahil narin sa Online Class ang mga estudyante, at limit nlng oras namin magkita. Pero gayunpaman, di naging hadlang yun. Basta mahal niyo isa't isa, kakapit tlaga kayo.

(2021) Nung medyo lumuwag luwag na ang travel restrictions, nagplano rin kami mag travel locally, nag Baguio, Ilocus, at Tagaytay kami. Happy memories. Ang saya lng kasi, ang tagal na namin gusto mag travel together, nagagawa na namin ngayon. Nung dati rati, siya gumagastos sa dates namin at nagbibigay ng gifts, ngayon nasusuklian ko na yun. Laking pasasalamat ko sa kanya kasi di siya bumitaw sa min, kahit sa mga panahon na pumasok sa isip namin na mag break na lng pero kumapit parin kami.

Pinasok narin namin ang business, travel agency para dagdag kita narin at masimulan na namin yung plano naming magpatayo ng sarili naming bahay.

But everything has been changed.

(2022) Feb 23. Naaksidente siya sa motor, at may bali ang part ng spinal cord niya, kaya nadamay pati utak niya. Na comatose siya for 5 months, ako after work dumidiretso sa hospital para magbantay at papahingahin rin parents niya. For 5 months ganun ang naging routine. Nung nagising siya, di na siya makapagsalita at bedridden narin siya, sabi ng doctor maliit nlang daw ang chance na bumalik siya sa dati. Ang sakit sakit lng makita yung mahal mo na ganun anh sitwasyon, pero gayunpaman pa man never ko pinakita sa kanya yun. I always make sure na nandito parin ako sa kanya kahit anong mangyayari.

Inuwi na siya sa kanila, at dun narin ako tumira sa kanila para pag wala akong work at di busy, naaalagaan ko siya. Every night, pagmagkatabi kami kahit di ko makita sa kanya, naririnig ko yung daing at pain niya deep inside. He can't cry out loud at alam ko yun.

And last March 21 2023, bumitaw na siya. Di na kinaya ng katawan niya, akala ko okay na eh, mas matatanggap ko pa ung di siya maka pagsalita bedridden siya kasi nakikita at nakakasama ko pa siya. Pero ngayong wala na siya, sobrang sakit. Bumagsak lahat lahat sakin, buhay ko at pangarap, pangarap namin.

Love, kung nasan ka man ngayon, alam ko masaya ka na sa piling ng Diyos. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatanggap na wala ka na, pero pinapangako ko na kahit anong mangyari, tutuparin ko parin ung mga pangarap natin, magpatayo ng sarili nating bahay. Wag ka mag-aalala, kahit lumipas man ang panahon, d ka parin mawawala dito sa puso ko. Di ko man maipangako na di na ako makakahanap ng bago, pero lagi mong tatandaan, ikaw at ikaw parin ang nag iisang love of my life ko. Wag mo ko pabayaan ah, iguide mo ako lagi sa mga pagsubok na darating sa buhay ko.

I love you, goodbye. ❤️
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top