Nope. Gaya ng nabanggit ko, kailangan mong may baguhin na value sa connection settings nung interface BAGO gumana ang restart interface button. Ma clear out kasi nito ang error status. Sa akin, ganito ang ginagawa ko sa terminal:
Code:
# uci set network.<ifname>.delay=xx; service network reload #replace <ifname> and xx with a different delay value than currently set
Ganito ako mag restart ng interface na nagka error para sa anumang kadahilanan, kasama na ang "network device not present".
Yes ganyan kumuha ng mga hints sa tamang commands para sa modem. Hindi lahat dyan ay gagana at hindi rin lahat ng commands ay makikita dyan, pero isa yan sa mga panimulang pamamaraan ng pagtuklas.