Kaka-21 yrs old ko lang and I'm currently studying. Nafefeel ko na yung hirap ng buhay as I get older and nagiging seryoso na din talaga. I am an Architecture student which is my dream —to be an Architect. But lately pansin ko na din yung hirap ng parents ko sa mga gastusin sa bahay dahil di naman kami ganon kayaman and sinasabihan na nila ako na magstop nalang at kumuha ng mga course na madaling magkatrabaho like sa tesda daw para makapag abroad. Para sa akin hindi pa ready yung sarili ko na harapin yung gantong bagay sa totoo lang. Natatakot padin ako dahil kulang ako sa lakas ng loob, samantala ayoko din ihinto yung pangarap ko na makapagtapos kaso lang ayoko din maging ganto kahirap buhay namin. Dagdag pa may Gf ako at di ko din siya kaya iwanan. Di ko alam kung ano yung magiging desiyon ko sa buhay. Alam ko na dapat maging praktikal kaso andon din yung feeling na di ready sa gantong bagay. Need advice po kung ano ba dapat kong piliin, magtrabaho o yung pangarap?