Pasensya na Paps
saitamj kung late reply ko sobrang busy lang kasi... Tama ang mga tips ni Paps
bagong pangalan sayo... Ang sa akin lang Paps ha, kapag nagmahal ako hindi ako natigil hanggat hindi nanggagaling sa bibig ng babae na meron na syang ibang mahal at mas gusto ko yung sinasabi nya sa akin ng harapan at hindi yung sa message message lang... Ang panliligaw kasi sa panahon ngayon e ginagamit ang online platform paano mafifeel ng babae yung prisensya mo Paps.. E kung talagang mahal mo at seryoso ka puntahan mo sa bahay... Hawakan mong yagbols mo at magkaron ka ng guts na harapin magulang nya... Dahil lang sa naggiging close dun sa karibal mo e bibigay ka na gad aba e dalhin mong mortar mo a at yung Iron Dome mo papatalo ka kaagad dun sa karibal mo.. Hindi ganun a! Tratuhin mo syang kacompetitor idol dapat magpasiklab ka rin a...
Paps be in control as always, huwag kang papauna brad! always remember ang mga babae gusto ang mga lalakeng ndi takot or chope so pagdating sa kwentuhan huwag kang magaantay na siya ang mag gagawa ng move para lang may mapagusapan kayo… wrong move yun brad! u have to take control of the conversation at all cost! pero siyempre ndi naman dapat OA…
Hirap kasi ng sitwasyon mo e, gaya ng sinabi ko sayo iba ang nakakasalimuha hindi yung ligaw internet o ligaw text lang at hindi maganda yun bro... dapat pagmasdan mong mabuti ang mga movements ng girl brad dahil doon mo lang malalaman kung ano ang tinatakbo ng conversation niyo. ito ang mga non verbal cues gaya ng pag sway ng buhok, pag beautiful eyes at kung ano ano pa.. for further lesson dito PM me Hahaha...Iba kasi yung nakikita mo sya lods...
Eto pang masasabi ko sayo you have to be intimate – kung wala kang plano maging intimate sa babae, ishutdown mo computer mo ihampas mo monitor mo!!! anak ng baka, para san pa ang usapang ito brad kung ndi ka magiging intimate sa kanya… ngayon ang tip ko.. u have to be sensitive when to take your conversation into intimate level… another tip: pwede mong laruin, intimate, emotional, humor personal… depnde sa diskarte mo.. pag maganda ang timpla mo sa mga tips ko… she will have a helluva time with you!
Ano bang moves mo ng nagawa Idol? Baka naman naggiging OA ka na minsan o kaya nagiging Tito Boy.. huwag OA brad… timing at diskarte ang susi sa magandang conversation sa mga babae! lagi mong iwasan na mag muka kang nag papaimpress.. kahit pa ang katumbas nito ay mag KKB kayo sa resto. true story pa rin ikaw!!! and it is alaways effective kasi hindi ka nagsisinungalin...
Paps relaks ka lang brad palagi... dapat tandaan mo na HUWAG NA HUWAG MONG SASABIHIN NA GUSTO MO SIYA lalo na ang mortal sin na “iloveyou”. gusto ng mga babae ang mga guys na challenge.. i mean, gusto nila in a way na nagtataka sila kung bakit sa kabila ng lahat ng sinasabi mo ndi mo sila diniderekta… pa kilig ba. dapat unti unti niyang nararamdaman na ung move mo… para ndi siya mwalan ng interest sayo.
Lam mo bro sa iba hindi mahirap dumiskarte sa isang babae… ang kalaban mo lang jan e ang sarili mo… again always remember u have to be fun, playful, and sexual (medyo maginoo pero bastos din hahahaha) pagdating sa conversation tsaka you just need to be aware of what they are turned on by and what turns them off. Paps siympre dagdagan mo yan ng santong dasal, tamang diskarte, malupit na swerte ang saktong timing.ang equals niyan LOVE LIFE.
Goodluck sayo Idol... Wag kang dadagain, ihasa mong mabuti ang yagbols mo at matulog lagi ng maaga wag ka ng magML nakakasira ng buhay yan.. Hahahahaha
Joke lang... Hahahahaha God Bless bro