What's new

Closed Need advice lalo na po sa mga pamilyadong tao na TY advance.

Status
Not open for further replies.

ruijie

Eternal Poster
Established
Joined
Aug 31, 2015
Posts
742
Solutions
1
Reaction
305
Points
301
Hello guys, need some advice po, bali fresh pa kasi yung mga nangyare sakin and di parin mag sync in sa sarili ko yung mga pangyayare, ang bilis kasi lahat e, binigla ako iwanan. may isang anak kami ng ex ko, and nagsama kami ng almost 5 years, syempre di naman maiiwasan sa magkarelasyon yung tampuhan, away, then one time. may isang hindi kami pagkakaintindihan, then bigla nalang lumaki yung gusot na yun hanggang sya na mismo yung nakipaghiwalay, 1st time lang nangyare samin yung mg aaway then aabot sa hiwalayan, pero yung gusot na yun is di ako yung may gawa sya mismo yung may gawa nun, then kahit ako yung walang kasalanan ako parin yung nanuyo pero ayaw na nya talaga hanggang sa dumating yung point na ayaw na nya ako makita and ayaw na nya magpahawak sakin na akala mo pinandidirian ako. nakakalungkot lang kasi sabi nya walang mali sakin walang kulang sa akin then bakit nya ginawa sakin to. ayaw ko sana ng broken family kasi di naman kami lumaki sa ganung situation naaawa ako sa anak ko. help me po sa mga nalagpasan yung ganitong problema how to overcome yung sadness and yung overthinking. alam nyo yung feeling na ako affected na affected pero sya parang wala lang. need ko po ng mga advice nyo kasi sa totoo lang nakakabaliw po. thankyou
 
may third party ba?

sir honestly di ko alam if meron or wala kasi last na kinulit ko sya, sabi nya tigilan ko na sya kasi may bf na sya, i dont know kung totoo or hindi pero simula nun hindi na ko nagpakita, nagtxt nag chat or kahit stalk social accounts nya di ko na ginawa sobra kasi sakit, makikita or maririnig ko palang name nya medyo naluluha na ko..
 
pakatatag ka,malalagpasan mo rin yan, pero mas maganda sana marinig yung side nung partner mo para fair.
 
pakatatag ka,malalagpasan mo rin yan, pero mas maganda sana marinig yung side nung partner mo para fair.

ayun nga po e. last na usap namin na matino ang sabi nya sakin sa chat is. wlang mali sayo walang kulang sayo,
-kaya ayun po nagpumilit ako, pinagsiksikan ko parin yung sarili ko pero habang ginagawa ko yun palayo sya ng palayo, hanggang dumating yung point na kung ano ano na nasasabi nya saking masasakit na salita, yung ipahiya ako s harap ng maraming tao parang wala nalang sa kanya, ayaw nya hawakan ko sya. ayun yung pinagtataka ko po e. then one time sinabihan nya ko na tigilan ko na sya kasi may bf na sya. then ayun simula nun di na ko nangulit pa. :(
 
okay, ano ba nangyare?ano yung hindi nyo pagkakaintindihan?anong issue?
 
kung ano man pinag daanan mo tanging acceptance ang ang mapapayo ko sa tingin ko kasi iba na yan dun palang sa parang ayaw ka niya makita hawakan iba na ganyan din ako dati push ako ng push sa bandang huli ako nahirpan sobrang tagal bago ko maisip na dapat mas tinanggap ko at pinahalganahan desisyon niya at mas nagfocus sa aking sarili once na makita niya nagbago ka matatag ka may chance na siya pa yung lumapit sayo pero depeende din wag mo assume na babalik siya lahat may pinagdadaanan kaya mo yan
 
ayun nga din kutob ko e. pero wala ako idea kung sino. natatakot naman ako mag search kasi para saan pa, sa ikakasakit ko lang din sya masaya naman na. :(
okay, since ayaw mo na rin malaman kung ano yung issue nya. tanggapin mo na lang na iniwan ka na nya, pakita mo naman ngayon sa kanya na kaya mong itaguyod ang anak nyo kahit wala sya. lalo ka pang magpursige para maging successful ka. malay mo dumating ang araw marealize nya na mali ang ginawa nya at magsisi siya.
 
maraming salamat po sa idea, may masasabi pa po ba kayo kung paano naman ako makakatakas sa lungkot po? aside po sa mag focus sa anak po ano pa po ibang way para po maalis sa isipan ko yung memories at lalo na sya po.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top