What's new

[need advice] Kelan ba kayo nagpapakilala sa magulang?

PanicMortgage22

Honorary Poster
Established
Joined
Nov 8, 2020
Posts
577
Solutions
2
Reaction
329
Points
218
Context lang: 24M ako, 23F siya. May nakamatch ako sa bumble last October lang. Nagtalking stage kami sa mga unang linggo tapos mga after 2 weeks pa lang, nagkita na kami (first meet). Kumain kami sa labas ganon, tipong date ba hahaha. Naging okay naman and then eventually nung birthday niya last november, nagpadala ako ng flowers sa bahay nila hehe lolo pa niya nakatanggap, kwento niya sakin hahaha. After non pinakilala niya na ko sa magulang niya (2nd meet pa lang namin ito). Okay naman ang pagtrato sakin ng magulang niya kaso nahihiya ako nung simula at syempre kabado na rin haha first time ko magpakilala sa magulang eh kaya may dala akong pagkain non hehe.

Hingi lang sana ako ng advice kasi ewan ko ba, parang nabibilisan ako sa pacing ng relationship namin. Medyo nagtampo kasi siya sakin, hindi ako nakapunta sa kanila nitong pasko kasi nahihiya talaga ako at malungkot na rin kasi broken family kasi kami eh. Nahihiya ako ipakilala siya. Tsaka gusto ko sana, ipakilala siya pagka nagkaron na ko ng matinong trabaho. Hindi kasi ako yung nagjojowa para lang pampalipas oras, gusto ko sana siya na talaga.

Eh naiisip ko kasi, parang di ko pa deserve magkaroon ng jowa kasi wala pa kong matinong trabaho, baka may mangyari sa amin eh tapos hindi ko kayang panagutan.

Kailan ba ang tamang panahon para mapakilala ko siya sa tatay at sa lola ko? Masyado bang maaga kung ipakilala ko siya sa magulang ko? 3 months ko pa lang siya nakikilala eh, gusto ko sana mas makilala siya ng maigi bago ko siya ipakilala. Okay lang kaya ito para sa kanya?

Salamat sa mag-aadvice.
 
Oks lang lods. Ako as babae mas okay ipakilala, for sure wala pa din sa plano nya yung magsasama kayo soon.

Gusto lang din nya ng assurance na seryoso ka sa magiging relasyon nyo
 
Oks lang lods. Ako as babae mas okay ipakilala, for sure wala pa din sa plano nya yung magsasama kayo soon.

Gusto lang din nya ng assurance na seryoso ka sa magiging relasyon nyo
Seryoso naman ako sa kanya. Nagpakilala na din ako sa magulang niya tsaka nasabi ko na rin sa kanya na gusto ko sana pag may matinong work na ko, dun ko na siya ipakilala kasi na-iinsecure talaga ako at nahihiya na din kasi broken family kami. Gusto ko sana siya na mas makilala pa lalo ng tuluyan sana bago ko siya ipakilala sa magulang ko.

Okay lang kaya na i-delay ko muna yung pagpapakilala ko sa kanya sa magulang ko or dapat ba na mapakilala ko na siya agad agad?
 
Ang tanong okay lang ba sa kanya na di mo pa sya agad mapakilala sa pamilya mo? Kasi kung okay naman sa kanya, wag ka na mabahala.

Mahirap kasi na mag overthink ka na baka ayawan ka nya dahil di mo sya napakilala agad
 
okay naman daw sa kanya. baka siguro nag-overthink lang ako.
salamat sa advice :)
 
Wag ka muna mag imagine ng bagay na "magkaka anak kayo o magkakapamilya ka agad kesyo wala kang trabaho" ikaw ata yung mabilis sa phasing of relationship 😂. Gusto ka nga ng babae bakit ka mag ooverthink.
Have fun ts wala namang mali swerte mo nga nakilala mo na yung magulang nya. Bunos na yun atleast pati magulang nya nakuha mo na yung tiwala. Date date lang as usual na mgmag dyowa.
 
Hindi lng ikaw na bilisan parang ako din😅hindi ko lng ma imagine na meron na palang ganyan kabilis ngayon. 2nd time palang kayo nag meet tapos pinakilala ka agad we'll sa age nyo malamang na pressure narin yung girl since matanda na sya. At hindi narin sya nagdalawang isip na sagutin ka since siguro na feel na nya na mabait ka. And about pagpapakilala sa parents namn nka relate ako sayo, mahirap talaga magpakilala ng jowa sa parent lalo na kung kayo mismo ng parents mo is hindi kayo close. I mean "kami nga ng parents ko hindi close tapos magdadala pa ako ng ibang tao sa bahay"😅kaya madalas isa yan sa rason kung bakit ayoko din ipakilala ang jowa ko sa pamilya ko.
 
May mga babae talaga n mjo superstitious. Mejo naniniwala sila na pag pumayag yung guy magpakilala sa magulang, ibig sabihin matino. Which is not true.

At siguro, ikaw nmn, subconciously natatakot ka na baka mapikot ka o mapasubo pag nagpakilala ka. Understandable. Not necessarily true, kung intention ng jowa ang pinaguusapan.

Pero at the end of the day, hindi nmn yung magulang jojowain mo. Wala nmn tlgang tama o maling time kung kelan ka magpapakilala sa magulang. It should be a mutual agreement between sa inyong dalawa kung kelan nyo gagawin yun.
 
Yup tama din to, hindi porket pumayag na magpakilala eh matino na, pero sometimes matino namn talaga kaya lng pag nagsawa sya sayo kahit legal na kayo both sides eh maghahanap talaga yan ng iba
 
ipakilala mo na agad kasi sabi mo nga na dapat sya na yong last mo ganon lang ka simple tapos . next na gawin nyo mag travel na kayo kahit isang beses every 2months para makilala nyo pa ang isat isa ganon lang
 
Kung sa case mo na di pa ready make sure na kausapin mo sya tungkol sa bagay na yan para iwas disappointment sa part nya
 
Similar threads

Back
Top