Alam mo parekoy, ang kulang sayo "tapang" kasi takot ka na masira o mawala siya sayo, takot ka na ipagpalit ka niya sa iba, takot ka na iwan ka niya. Dapat kasi wag mong tingnan yung halaga niya para sayo, dapat siya yung tumingin ng pagpapahalaga mo para sa kanya, pero pano? Yun ang problema di niya nakikita yun kasi may pinoproblema din siya sa nararamdaman niya kaya yun ang tingnan at lutasin mo. Tanggapin mo kung ano yung mangyayari, magpakalalaki ka at harapin yung katotohanan. Pero ang maigi na gawin mo ngayon dahil nga mahal na mahal mo siya IPAKITA MO YUN SA KANYA, kung nakikita mong nababalewala yung mga yun hayaan mo lang wag mong pakialaman yung hirap mo dahil lahat ng bagay may karapat dapat na nakalaan para sa karapat dapat na bagay na pinaglalaanan.