What's new

Closed Natabunan

Status
Not open for further replies.

Vantablackxx

Honorary Poster
Joined
Aug 9, 2016
Posts
702
Reaction
167
Points
223
Age
28
01
Kaibigan, kamusta? Ako ba'y kilala pa?
Ang dami mo nang katoto, masaya.
Diba't yan ang pangarap mo? Ayan na.
Masaya akong masaya ka
Pero teka. Teka. Teka. Ang dami.
Ako yata'y natatabunan na...

02
Kaibigan, kamusta? Tagal nating di nagkita
Di ako nagtatampo, alam kong abala ka
Ako? Okay lang ako. Wag kang mag alala
Siya nga pala pag may oras ka...
(Sa dami ng mensahe natabunan na)

03
Kaibigan? Kamusta? Sige sa susunod nalang
Pede ba sa Linggo? Kasi ano eh.
Pila? Ha? Saan? May pila pala. Pasensya na.
Pero diba...?
Kaibigan?

04
Kaibigan.
Oo nga pala. Salamat sayo. Salamat doon, dito.
Sana minsan mauna ako. Diba dati naman ganun?
May sasabihin sana ako. May ##### ###.
##### ## ####. ##### ###### ####
#### ####

05
Kaibigan.
Eto na ang huli. Sana makapunta.
Malapit lang sa inyo 'to diba? Isang sakay.
Payapa na ako. Payapa na.
Ilang oras nalang tatabunan na.

-fin-
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top