What's new

Naniniwala po ba kayo sa multo?

sa experience ko diko alam kung ano yung nakita ko ito ay yr 2013 naglalakad ako pauwi tas medyo marami rami kasi iskinita samin halos walang mga ilaw yung daan meron man medyo malayo pero aninaw parin bale pag lingon ko dun sa harap mismo ng pintuan ng kaibigan ko may tatlong bata na nakatayo lang gabi na yun mga 10:30pm btw ang lugar namin ay napapaligiran ng tatlong private cementary iyak ako pag uwi e as in takbong malala talaga HAHAHAHA
 
ako naman di ako naniniwala pero nakaka experience ako ng poltergeist until now bigla ung mga locker ko sa kwarto nakabukas pag uwi ko galing work minsan kahit madaling araw magugulat ka biglang bubukas.
 
Totoo na hindi totoo.
Ang ibig Kong sabihin mga spirits yan na kasabay nating nilikha at naaatract sila sa kung anong estado ng kaisipan mo. Kung positive isip mo, they will manifest as luck/swerte at good dreams. At kapag Naman negative magmamanifest Sila as multo/nightmares etc.
 
Dati hindi po, ni kahit nga papuntang cr kahit patay lahat ng ilaw wala lang. Pero since nakakita ako at until now nakakakita parin. Oo, kasi nga to see is to believe diba? minsan parang pinagtritripan pa ako, lagi ako ginigising sa madaling araw lalo na yung lola ng kalive-in partner ko na 8 years ng namatay inuupuan lagi yung tyan ko. nagkatitigan kami mga 5 seconds ata yun nung una. So eveytime na nagigising ako sa madaling araw, at ramdam ko na nakaupo sya sa tyan ko, di ko na dinidilat mga mata ko.

It all started nung sumama ako and nag overnight sa friend ng house ko which is super layo at lublob na lugar. May triplets na namatay dun pamangkin daw nya, dapat daw pag pupunta kami sa house nila sasabihin daw namin na "adda kami pay apo". para daw maging aware sila na may bisita daw. ayon, nung tulog ako may gumigising sakin may kumakalmot sa ulo ko, maliliit na kamay. Ginising ko yung friend ko na nasa tabi ko. tapos pinapabuksan ko yung ilaw, pero before sya tumayo natingin kami sa bandang pintuan ng room, tapos may konting light sa room dahil sa mga streetlights, pag tingin namin, ayun may tumakbong bata kita parang anino lang pero sobrang lakas ng mga padyak nya at tumama sa pader. nagsigawan na kaming dalawa. Alam nyo yung, pinagpapawisan kaming dalawa ng friend ko, nakakumot buong katawan pero sobrang lamig ng pawis namin hehehehe

After a day, nilagnat ako ng 1 week or more. Lumilitaw nalang bigla mga pasa sa katawan ko. Napansin ng friend ko dinala ako sa albularyo. Di pa naman kami nakakapasok dun sa bahay nung matanda, nasa may bintana sya, nung nakita ako, sabi nya agad, bat kasi di daw kasi ako nagsabi nung "adaak pay apo" nung bumisita ako sa house ng friend ko, and sabi nya pa na, minalas daw ako kasi nahawakan nila ako. Yun lang naman, takot na takot ako nung una kaso now, parang normal nalang sakin kasi minsan hagilap lang nakikita ko like tatakbo sa harap ko, or may nakaupo sa bahay na di naman namin kaano ano. Also yung nasa taas na comment, yung may nagtatawag sayo, ganun lagi experience ko. Eh yung pinagtataka ko nga, namatay dad ko 5 years ago, di ko man lang sya nakikita.
 
Last edited:

Similar threads

About this Thread

  • 118
    Replies
  • 5K
    Views
  • 64
    Participants
Last reply from:
Kaplok Kaplok

Online statistics

Members online
1,082
Guests online
4,985
Total visitors
6,067
Back
Top