What's new

Nagpaparamdam si ex

Status
Not open for further replies.

cartiergomora00

Forum Guru
Joined
Feb 3, 2018
Posts
585
Reaction
11,535
Points
1,397
Naranasan nyu na po magmahal ng isang tao kahit alam mong maraming siyang flaws o halos wala lahat siya ng gusto mo pero tangggap mo parin siya? nagkakilala kami thru gc ng messenger after 4 months nagfirst move siya at umamin na may gusto siya sakin, syempre ako naman bilang isang lalake di ko inaasahang may babaeng magkakagusto sakin lalo na't mababa ang kumpiyansa ko sa aking sarili, di nagtagal pagkaraan ng dalawang buwan (2 months) naging kami rin.

Sa umpisa ng relasyon namin bilang magjowa naging maganda naman ang sitwasyon namin at hindi ako nagkulang na iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya pero habang tumatagal unti-unting nabago ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Ultimo maliit na bagay pinagtatalunan namin at nauuwi sa away at dahil mahal ko siya inintindi ko nalang at pinagpaumanhinan palagi. Isang linggo bago ako nakipag break sa kanya nag away kami at pagkatapos ay hindi ko na siya makausap ng ilang araw hanggang nalaman ko may iba siyang kinakausap na lalake at dahil may ebidensya na hindi niya tinanggi na nagcheat siya bagkus sinisi pa niya sakin ang rason kung bakit niya ginawa yun kaya napagpasyahan kong makipagbreak na sa kanya. Masakit naman talaga makipoaghiwalay at mahal mo pa siya, pero ganon talaga di ko na siya kayang pagkatiwalaan pa. Pagkaraan ulit ng pitong buwan (7 months) yung pagmamahal ko sa ex ko ay napalitan ng poot dahil nadin sa paulit-ulit na pagpaparamdam niya, sa tuwing makikita ko ang larawan o pangalan niya ay naaalala ko lahat ng ginawa niya sakin. Kanina lang chinat niya yung isa sa mga kaibigan ko para makausap ako pero poot padin ang nararamdaman ko para sakanya.

Minahal ko talaga yung ex ko pero dahil sa ginawa niya halos di ko na siya mapatawad, nararamdaman ko gusto niya makipagbalikan pero kahit sabihin kong pinatawad ko na siya wala narin naman akong tiwala sa kanya kaya hindi ko narin siya magawang kausapin ulit. kayo po ano mararamdaman niyo sa parehong sitwasyon ko at ano po ang pinakamagandang solution na maaaring gawin?

-Pasensya na kung masyado mahaba at salamat din po sa pag babasa ^^
 
Goods lang paps, dasurv ang tawag sa ganyan hahaha

Man Body GIF
 
ako rin hindi ko kayang makalimot sa mga may atraso sakin at never ko nang pagkakatiwalaan yang mga yan. pero marunong akong mag patawad. yun nga lang, hindi porket pinatawad ko na eh ok na ulit. pinatawad ko lang sya dahil ayoko na syang bigyang ng space sa isip ko at hindi nya deserve na magkaroon ng puwang sa utak ko. if malala ang tama sakin ng ginawa nya, semi demonyo mode ako minsan. mahilig akong gumanti ng sakit na pinaranas sakin. kaya ang ginagawa ko, para matanggal yung sakit na binigay nya sakin, ibabalik ko sa kanya yun pag may pagkakataon ako. if ako ang nasa posisyon mo at sobra ang naranasan kong sakit sa kanya na tipong hindi ako maka move on, yan na yung pagkakataon na makakabawi ako at maibalik ko yung sakit. ang gagawin ko sa kanya is makikipag balikan ako then ipaparanas ko sa kanya yung ginawa nya sakin. then move on na ko bawi na ko eh.
 
Don't entertain cheaters
Dpat dyan di na pinapansin
noted po
babae pa naka gusto sa yo ang tanong bakit sya naka gusto sa yo? yun ang dapat alamin
sa totoo lang madami po nagkakagusto sakin sa eskwelahan man o mga na-encounter ko sa labas ng bahay dahil nadin sa half japanese/filipino po ako at may pagkatisoy na itsura, pagdating naman sa acads matataas din ang grades ko, at sinasabi palagi sakin ng mga naging kaibigan ko ''mabait at matalino daw ako" other than that wala na po akongg maisip na rason o dahilan kung bakit siya nagkagusto sakin
 
Di yan basehan para oo ka sa kanya baka ginamit ka nya so musta po kayo moving forward na?
 
hindi nag work out doon sa pinalit sayo kya bumabalik. Kung ako yan TS wag mo na balikan lalo na puro poot lng nararamdaman mo. toxic gf mo lods move-on ka nlng saka sabi mo may mga ibang nag sasabing may gusto sayo edi doon ka nlng.
 
Maikli ang buhay ts patawarin mo pero wag mong balikan para kung dumating man ang araw eh wala kang pag sisihan you know what i mean malikot ang tadhana at Sobrang ikli ng buhay para sayangin sa poot
hindi nag work out doon sa pinalit sayo kya bumabalik. Kung ako yan TS wag mo na balikan lalo na puro poot lng nararamdaman mo. toxic gf mo lods move-on ka nlng saka sabi mo may mga ibang nag sasabing may gusto sayo edi doon ka nlng.
kaya ko siya patawarin di ko lang siya kayang kausapin ulit. nakukulitan nadin ako sa ginagawa niya
 
kaya ko siya patawarin di ko lang siya kayang kausapin ulit. nakukulitan nadin ako sa ginagawa niya
Minsan kelangan tuldukan ng harapharapan ts para matuto syang tanggapin desisyon mo why not talk na tao sa tao kasi naiisip niyan wala siyang closure kaya pilit niya nilalaban sarili niya kahit yun ts mag dudulot na siguro yon ng pagkalinaw sakanya, mag closure kayo ng maayos for sure makaka move on na kayo ng maayos.
 
last year pumayag akong kausapin siya tho nabanggit niya na gusto niya daw ng closure pero napunta sa gusto niya makipagbalikan yung topic kaya nadala na din ako
 
last year pumayag akong kausapin siya tho nabanggit niya na gusto niya daw ng closure pero napunta sa gusto niya makipagbalikan yung topic kaya nadala na din ako
Nakakalungkot naman ts pero best option ko talaga need ma realize na wala na talaga eh sobrang sakin niyan sakanya pero para sainyo pareho need tanggapin . Try niyo ulit TS good luck btw baka bata pa kayo that time kaya nagawa niya yon kasalanan niya
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top