What's new

Nagdecide sya na maglayas na dahil pinapalayas na talaga sya porket ampon sya :<

CWzAi

Addict
Joined
Feb 10, 2019
Posts
89
Reaction
15
Points
113
Age
25
Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob at gusto ko lang lumakas loob ko para sa haharapin kong panibagong chapter ng buhay ko. Babae ako and yes I have a gf we both Bisexual, di sya tanggap ng magulang nya pinaiwas sya sakin sabi ko naman para sa ikakasafe ng buhay nya iiwasan ko na sya pero sabi nya wala naman daw magbabago dahil kung makapagsalita din daw magulang sobra pa sa sobra. Lately nung pinapalayas sya, sumagot na syang maglalayas na nga sya at magddrop out na sa school at magwowork na lang. Nag impake sya at nagreready na by next week para umalis, at ang sabi ng magulang nya wala syang idadala dahil sila ang bumili ng mga gamit nya at eto pa sabi ng magulang nya "inako ka lang namin dahil nakaaawa ka" dahil iniwan lang sya sa gate ng mga nag ampon sa kanya nung bata pa sya. Halos 2 days na syang di kumakain ngayon ni ayain sya hindi na magawa pati mga papers nya pinapabayaran sakanya. Obligasyon naman nila yun diba dahil inampon nila. Napapatanong ako sa sarili ko kung makapagpost yung magualang nya kung gaano kaproud sa kanya at mahal na mahal daw sya pero sa loob ng bahay nila iba naman. Hays sorry mga ka PHC dito pa ako naglabas ng gantong problema. :<< Wala akong magawa dahil wala rin akong trabaho ngayon. Sobrang bigat naman neto.
 
gusto lang nila maghiwalay kayo niyan, kahit na ampon yan iwan ko lang if may sarili silang anak . Dapat sa mga ganyang sitwasyon maging wise kayo. Wala din naman kayo kahihinatnan na maganda if magsarili kayo ng hindi niyo kaya.if kaya niyo naman go na kayo , sa sitwasyon mo if gusto mo talaga siya malakas dapat loob mo at maghanap ka ng trabaho or paraan panu mo siya matutulungan. if gusto mo talaga siya may kaakibat talaga yan na responsabilidad , ang relasyon ay hindi hanggang sa sarap lang. if hindi mo pa naman kaya ng responsabilidad mas okay na iletgo mo siya at advisan mo na sa magulang nalang muna siya hanggang sa kaya niyo na .
 
Ilang taon na ba siya? Kung nasa hustong gulang na at sa tingin niya ay kakayanin na niyang mamuhay sa sarili niyang kakayahan at tumayo sa sariling paa, pagdesisyonan niya kung ano ang mas makakabuti para sa kanya. Kung pipiliin niyang umalis na sa poder ng mga umampon sa kanya, magpaalam pa rin siya nang maayos sa mga nakagisnan niyang mga magulang.
Sa parte mo naman, siguruhin mong masasamahan mo at masusuportahan siya sa kanyang pipiliing tahakin.
 
kupkupin nyo muna sya ts wag na wag mo sya iiwanan sa ere, heto yung time na nasa kawalan ang pag iisip nya dahil sa sobrang nangyayari na di maganda. Hopefully sana magka ayos sila ng pamilya .
 
alam mo Ts mahirap yang sitwasyon nya. kailangan nya ng masasandalan sana malayo mo sya sa tukso barkada at bisyo. kase possible na hndi na sya makinig sayo. kung makinig man sya sayo mas maganda. gawin mo lagi ka lang mag stay sa tabi nya kung mahal mo sya. lagi mo imumulat yung isip nya na may magagawa pa sya iboost mo yung confidence nya. pag nagawa mo yun turuan mo syang hanapin sarili nya para magawa nya magawa yung mga bagay na gusyo nya. pag nag success sya dun. maniwala ka Ts. ikaw yung ituturing nyang pamilya. kung makabalik man sya sa family nya. turuan mo yung parents nya. na wag syang sabihan ng masasakit na salita kagaya nun. sabihin mo hindi nila alam pwedeng mangyare sa anak nila kung sasaktan lang nila. kaya sya inampon dahil may reason. at may reason din bakit sya nasasaktan ng ganyan. kailangan nya maging strong at ikaw ang unang hakbang para magawa nya yun.
 
Mahirap talaga pag ampon ka lang, yung feeling na para kang robot na dapat sila lng ang magcocontrol sa lahat ng desisyon mo sa buhay.
 
I can smell a depressed person from miles away.

Sinabi mong iiwas ka na sana kaso umayaw siya. Ikaw nalang talaga ang pinanghahawakan niyang safety net sa buhay.

Its a bad thing if mababaw lang nararamdaman mo sa kanya. Kasi chance is sasaktan mo rin lang din siya sa huli tulad ng ginawa ng parents niya.

Gaano na kayo katagal? Are you sure? Can you see yourself with her in your future? Start questioning yourself the important questions kasi that’s a gigantic responsibility.

Girl, make sure na alam mo ang pinapasok mo. By accepting her and the relationship, nakasunod na dyan ang napakabigat na responsibilidad na there is a chance na ikaw ang sasagot sa titirhan niya, gastusin niya. May trabaho ka ba?

If both students pa, ang bigat bigat sobra. Humingi ka at ng gf mo ng tulong sa parents mo. If seryoso talaga kayo, magpakumbaba kayo sa parents mo para matulungan ang gf mo. Not for free of course. Say na ibabalik niya/niyo lahat kapag nagkaron na ng trabaho.

Why not make this a fuel for motivation para makapagtapos sa pag aaral hanggang sa makahanap ng trabaho.

This will be a test of character. Magpapatalo ba kayo sa takbo ng buhay o tatayo kayong panalo sa huli.

Kung hindi matatag ang loob niyo, malulunod talaga kayo sa pakiramdam na parang dagan dagan niyo ang mundo. Mabigat.

Unfortunately, some old traditional filipino parents aren’t open sa ganyang relationship. Nasa culture kasi natin ang maging religious and all.

My point is make sure na seryoso ka sa pinasok mong relasyon. Think carefully. Wag papadala sa bugso ng damdamin. Be rational. If papasok ka talaga sa relasyon na yan, don’t give up. Tulungan ang isa’t isa. Good luck both of you.
 
Ganyan tlga ang mundo. Kung mkikitira ka sa ibang tao, susunod ka sa rules ng pamamahay nila. Mapa tunay na magulang or adoptive.
Kung 18 pataas na edad nya, hindi na siya technically obligation ng magulang. Kung mas bata pa sya jan, dapat lng sumunod sa magulang.

At ikaw nmn, reflect mo maigi Kung pagmamahal nga ba tlga yang nararamdaman mo. Kasi kung tunay na pagmamahal yan, may iba n magsasabing letting go for the greater good is the right choice. Sometimes "fighting" for love does not mean going against the world, it might mean fighting your own impulse.
 
Buti nga bi ang relationship nyo eh pero kung hetero at buntis sya mas mabigat reaponsabilidad mo idol. Gawin mo kupkupin mo na tutal kaya na ninyo mag hanap trabaho eh, para sa huli maipakita mo sa magulang nya na kaya mo talaga sya buhayin. Life is an adventure lods, grab it.
 

Similar threads

Back
Top