What's new

MS-University Bombing

MSU BOMBING UPDATE:

Retaliation o paghihigante ng mga teroristang grupo, posibleng isa sa mga motibo ng MSU Marawi bombing

ITO ang lumabas na impormasyon sa isinagawang press conference na dinaluhan nina PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr, Lanao Sur Gov. Mamintal Adiong, Marawi City Mayor Majul Gandamra, kinatawan mula Mindanao State University Marawi at iba pang matataas na opisyal sa rehiyon.

Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang matagumpay na military operations laban sa mga teroristang grupo.

Ayon kay Bangsamoro Regional Police Director BGen. Allan Nobleza, posibleng may kinalaman ito sa nangyaring pamomomba sa loob ng Dimaporo Gymnasium ng MSU Marawi.

Ito rin ang sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner sa isang hiwalay na press conference.

Unang operasyon ng militar ay nangyari sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur kung saan patay ang labing-isang kasapi ng Daulah Islamiya Group kabilang ang kanilang lider.

Sinundan ito ng matagumpay ring military operation laban sa isang bomb expert ng Abu Sayaff Group na nasawi sa Basilan province.

Pinakahuli ay ang pagkasawi naman ng Daulah Islamiya-Maute Group sub-leader sa Piagapo, Lanao del Sur.

1701633339523.jpg
1701633326299.jpg
1701633321377.jpg
 

Attachments

Tapos may peace talks pa. Sinayang lang yung ilang taon na pagtugis ng previous admin para maubos tong mga terorista nato.🙄
 
Back
Top