I understand your point bosing. Hindi naman dapat natin kalimutan ang nakaraan, dapat nga nating alamin yan para basehan sa kasalukuyan. Ang ibig ko lang sabihin bosing, ang nakaraan ay isang-tabi na lang natin as our tool for the present. We can only change or even correct mistakes now and in the future. Kaya ko sinabi na "Don't dwell in the past."
Ang kaunlaran o pagbagsak ng isang bansa ay nakasentro sa napakaraming aspeto, mula sa gastos ng gobyerno, takbo ng pangkalahatang ekonomiya, kondisyon ng bawat rehiyon mula sa populasyon, kalusugan, edukasyon, "peace and order" atbp., impluwensa ng kalikasan .....Pero kung ang gobyerno ay hindi handang harapin ang dynamics ng mga problema ng bansa (with ease), paulit-ulit na lang tayong lulubog dahil sa karagdagang trabaho ng susunod na mga uupo. Kaya lang ang nagiging bukang-bibig na lang na naririnig ko ay sisihin yung nakaraang officials instead of dealing with the problem. You see what I mean?
Retired na ako sa trabaho. Pero kung ihahalintulad ko ito sa pagharap sa problema sa pabrika. Kung ang manager ay hindi marunong mag-mando ng tauhan, at mabagal ang pag-desisyon o pag-resolba sa problema lalo na sa oras ng trahedya, bawat minuto na patay ang makinarya ("yung downtime") ay malaki ang kitang namawawala ("yung losses sa production"). Kapag pinalatili ito ng matagal ay bababa ang kalidad ng produkto, di makapagbibigay ng regular increase sa empleyado bukod pa sa bonuses o benefits, o baka pa magsara ang planta.
Hindi ko kilala si DU30, pero yung sistema nya ay may sense na gumana dahil mas mabilis at direkta yung kanyang methods.
Yung tungkol kay Cory-Ninoy (pati si Kris) ay lumabas na noong binata pa ako he he. Mas malala yung mga media noong araw he he. Very entertaining talagang uliting basahin ang ganitong reports. Salamat.