What's new

Closed Miranda warning

Status
Not open for further replies.

-simplice-

Forum Expert
Joined
Jun 10, 2018
Posts
6,073
Reaction
2,210
Points
2,214
Chief Of Police: Nagrereklamo ang mga human rights group. May mga pagkakataon daw na hindi tayo nagbibigay ng Miranda waning pag may inaaresto tayo. Kaya ngayon, sa lahat ng arrests nyo, dapat may Miranda warning. May tanong ba?

SPO 1 Managilid: Sir, ibig sabihin ba non hindi namin pwedeng gulpihin yung mga inaaresto?

Chief Of Police: Pwede nyong i-restrain ang arestado, hindi gulpihin. Pero walang kinalaman yun don. Ang sinasabi ko ay bigyan nyo sila ng Miranda warning habang inaaresto.

SPO 1 Asebo: Sir, ano ba yung Miranda warning. Pag may ganon ba pwede parin silang gulpihin?

Chief Of Police: Baket ba puro panggugulpi ang nasa utak nyo? Tinuturo sa police academy ang Miranda warning diba? Yun yung pagbanggit ng karapatan nung mga inaaresto.

SPO 1 Managilid: Pagkatapos banggitin yung karapatan nila, pwede na silang gulpihin?

Chief Of Police: Wala ngang gulpihan! Pag pumalag sige gulpihin nyo! Pero kung maayos sumama yung arestado walang gulpi-gulpi!

SPO 1 Asebo: So ano sir yung kailangan namin banggitin sa kanila?


Chief Of Police: Eto, bibigyan kayo ng tig-iisang kopya. Sa ngayon lagi nyong dalhin yan para babasahin nyo na lang. Pero sa susunod dapat memorize nyo na yan. Nagkakaintindihan tayo?


SPO 1 Managilid: Yes sir!
SPO 1 Asebo: Sir yes sir!


SPO 1 Managilid: So pwede parin natin gulpihin diba?

SPO 1 Asebo: Pag pumalag lang yata.

SPO 1 Managilid: 'E pano kung...

SPO 1 Asebo: Teka may tawag sa radyo. May operation sa San Juan, kailangan daw ng backup!

SPO 1 Managilid: Tara!

(After 12 minutes)

SPO 1 Managilid: Ang daming nagtatakbuhan!

SPO 1 Asebo: Ayun habulin mo yung naka yellow! Ako na bahala dun sa naka-pute!

SPO 1 Managilid: Ok! Kanya-kanya muna tayo partner!.... Hoy! Pag hindi ka tumigil babarilin kita!

Boy Adik: Teka sir! Wag! Suko na ako!

SPO 1 Managilid: Kamay sa ulo! Luhod!

Boy Adik: Yes ser, yes ser!

SPO 1 Managilid: Isuot mo 'tong posas tapos dumapa ka.

Boy Adik: Yes ser.

SPO 1 Managilid: Ok, teka lang ha. May babasahin lang ako...Ahh.. You have the right to remain... silent. Ahh... Anything you say...ahh.. or do... can and umm will be held against you... in a.. ahh.. court of law. You have the right... to an... attorney. If you cannot umm afford it... one will be... provided for you.

Boy Adik: Anong ibig sabihin non ser? Hindi ako marunong mag-english. Paki tagalog.

SPO 1 Managilid: Partner gulpihin na natin 'to! Pumapalag!

-hahaha.. kulit e
 
Ako din chief, panay kalokohan ang trip! Hahaha :). Grabi grabi grabi! Banatan na yan nyahaha:)

wag ka wala basagan ng trip yan lang yun friend... hahahaha! ang harsh nyo dalawa grabe kayo sa akin..
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top