What's new

Mga boss baka meron sa inyo marunong gumawa ng case digest

Malupet19

Honorary Poster
Joined
Apr 14, 2020
Posts
234
Reaction
39
Points
132
Mga boss hihingi sana ako ng tulong sa paggawa ng case digest. Medyo nahihirapan po kasi ako sa pagsulat nung facts po nung kaso kaya hindi po talaga ako makausad sa assignment na pinagawa po sa amin. Sana matulungan niyo po ako. Salamat po
 
Alam ko huli na to at di rin ako magaling sa case digest. Ang una mong gawin para di ka mahirapan ay unawain mong mabuti ang kaso/ topic na binabasa mo at dapat na alam mo hinahanap mo. Pag alam mo ang hinahanap mo sa isang kaso madali mo lng din makukuha ang facts, ruling at isyu. Basta sa pagsusulat ng facts, iwasan mo isali ang mga di nman kailangan kasi summary yan ng kaso na ginagawan mo ng case digest. Ang importante sa facts ay kung ano ang nangyari sa kaso, sino sino ang mga kasali sa kaso(yung nagpetisyon at yung respondent), at desisyon sa kaso.
Ito din ang pinakaayaw ko sa lahat. Mas pipiliin ko pa magsulat ng essay kesa dyan. Mababa na 6pages sa isang case digest at pag nagdadraft ka sa yellow paper halos ubusin na isang pad 😂 gl pa rin ts.
 
Mahirap talaga yan. HAHAHA

Copy paste mo sa word then delete mo ang mga paragraph na hindi related sa syllabus.

Always focus sa syllabus, remedial law lang kung remedial law, labor law lang kung labor, wag mo na isali yung ibang doctrines or concepts na hindi naman related sa syllabus.

Goodluck!
 
Back
Top