What's new

Mga Bawal na Pagkain at Inumin ng mga Relihiyon

OrangeMoon

Kahel na Buwan
Contributor
Joined
Jul 13, 2021
Posts
18,662
Solutions
499
Reaction
22,153
Points
8,237
Compiled na mga na search ko:
Paki correct/dagdag na lang po kung sakali, para i-edit ko...

JW/Saksi
- no blood transfusion/procedures, abstain sila sa blood pati sa pagkain
-sa isang banda, may nade-develop na "bloodless" medical procedures na pwede ring gamitin ng non-JW
-bawal ang tabako, sigarilyo, e-cigs/vaphing

INC - bawal kumain dugo, transfusions yata OK lang?
-pwede ang alkohol at sigarilyo, pero pinaiiwasan itong gawing bisyo

Eto yata yung isang basis sa "no blood"
Genesis 9:3-4 (KJV)
"3 Every moving thing that liveth shall be meat for you; even as the green herb have I given you all things.
4 But flesh with the life thereof, which is the blood thereof, shall ye not eat."


Roman Catholic/Katoliko - alkohol ay OK pero bawal ang "drunkenness"
-no meat on Ash Wed. and all Fridays of Lent (pero voluntary nga ba sa Pilipinas?)

Protestant / "Born Again" - to follow

7th Day Adventist - similar to Jewish Kosher
- pork, rabbit, and shellfish

LDS/Mormon - bawal kape + tsaa ("hot drinks")
-drinks with names that include cafe or caffe, mocha, latte, espresso, or anything ending in -ccino (usually have coffee) -cakes with coffee (tiramisu)
-pero pwede Coke/Pepsi/RC (caffeinated) - 2012 inallow na
-bawal alkohol, tabako, e-cigs/vaphing, maryjuana, iligal na droga
-pwede yata medical maryjuana (prescribed ng Dr.), prescribed opioids pwede rin
-pwede "sacrament wine" (parang "Mompo" mass wine ba ito?)
-encouraged to focus on wholesome herbs, grains (wheat), fruit
-meat allowed, sparingly, and in times of winter or famine

Islam/Muslim - no blood, no pork, kahit knife nila bawal gamitin sa pork, sa Brunei daw tinatago sa likod ng mga shops yung mga pork para hindi nakikita ng Muslims
-"Halal" = allowed, may process yata pano i butcher yung animal, may prayers, etc.
-"Haram" = bawal, no alkohol ("dry")
(More details later on Sunni/Shia)

Judaism/Jew
- no pork, no blood
-no water creature na walang fins & scales? Dapat de-palikpik at de-kaliskis
-bawal shellfish, lobster, shrimp, crab, catfish (hito), etc.
-"Kosher" = similar sa "Halal" ng Muslim, pati yata asin (Kosher Salt)

Hindu - karamihan sa kanila ay vegetarian (sa isang banda maraming nadedevelop na másáráp na vegetarian dishes kasi mas bland ang gulay kumpara sa karne)
-bawal itlog, isda, manok (poultry), holy cow
-sa mas striktong Hindu, no alkohol, no coffee, no stimulants

Buddhist - mostly vegetarian + milk/dairy
-no eggs, poultry, fish, and meat (pero may mga meat eaters din? hmm)
-bawal 5 "pungent" (ma-amoy) spices/veggies - onions, garlic, chives, green onions/shallots?, and leeks
-no alkohol, pero may exceptions din, may religious ceremonies pa nga na may alkohol

Sikh - to follow

Jain - mostly vegetarian, (more to follow)

FSM/Pastafarians - pwede/encouraged kumain ng Spaghetti at R'Amen
-exempt from working in proximity to the unvaxxed (may Official exemption letter pa) 😅
 
Last edited:
INC - bawal kumain dugo, transfusions yata OK lang?

Hindi basta utos lamang ng kung sinong Maytungkulin o ng Ministro ang pagbabawal ng pagkain ng dugo. Ito ay utos ng Diyos na nakasulat sa Biblia :

Deuteronomio 12:23: “Ngunit HUWAG NINYONG KAKAININ ANG DUGO sapagkat nasa dugo ang buhay; ang sangkap ng buhay ay hindi dapat kainin.”

Mula pa sa panahon ni Moises ay ipinag-utos na ng Diyos na hindi maaaring kainin ng tao ang dugo. Ang dahilan kung bakit ito ay ipinagbawal ng Diyos ay dahil ang dugo ay isa sa mga sangkap ng ating buhay at ang sangkap ng buhay ay hindi dapat kainin :

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. press.com/2019/04/23/pagkain-ng-dugo-ipinagbabawal-ba/

-bawal na bisyo alkohol and tabako (di ko alam kung absolute ito)

Hindi lang masama ang paninigarilyo at paglalasing sa Iglesia ni Cristo kundi sa lahat ng tao lalo na kung ang mga ito’y maging bisyo o adiksyon na.

Kawikaan 21:17: “Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha: ANG UMIIBIG SA ALAK at langis AY HINDI YAYAMAN.”

Totoong hindi pinagbabawalan ang mga kaanib na manigarilyo o maglasing subali’t hindi ibig sabihin nito’y pinapaboran namin ang mga gawaing ito, sa halip ay ipinaliliwanag namin sa inyo na wala kaming opisyal na aral o doktrina na nagbabawal dito pero pinapayuhan ang bawat kaanib na iwasan hangga’t maaari ang paglalango sa alak at sanayin ang sarili sa paninigarilyo.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. press.com/2018/12/03/masama-ba-ang-maglasing-at-manigarilyo/
 
Last edited:
Totoong hindi pinagbabawalan ang mga kaanib na manigarilyo o maglasing subali’t hindi ibig sabihin nito’y pinapaboran namin ang mga gawaing ito, sa halip ay ipinaliliwanag namin sa inyo na wala kaming opisyal na aral o doktrina na nagbabawal dito pero pinapayuhan ang bawat kaanib na iwasan hangga’t maaari ang paglalango sa alak at sanayin ang sarili sa paninigarilyo.
Updated lods:
-pwede ang alkohol at sigarilyo, pero pinaiiwasan itong gawing bisyo

Ang lalim nung "paglalango" haha
 
Updated lods:
-pwede ang alkohol at sigarilyo, pero pinaiiwasan itong gawing bisyo

Ang lalim nung "paglalango" haha
Malalim na tagalog ginagamit na term sa INC. Hahahaha
pero my English Worship Service din.

Sa INC hinuhubog lang maging matino pero nakadepende pa rin sa tao yan lahat naman tayo nakakaroon ng kasalanan.

I respect other religion ang importante may Dios(Creator) kesa sa wala.
If may basher hindi na ko sasagot hahaha normal na kasi un.
I want peace of mind. Haha
 
Last edited:
meron din yta bawal yung fermented foods.. sa seventh day adventists.. sino pla qyaw ng bagoong. :unsure:
 
correction lang

INC
sa INC ay hindi pinahihintulutan ang pag inom ng alak - hindi accurate yan sinabi mo pede ang alak.

Catholic
walang bawal sa Catholic
hindi naman katulad yan ng mga sulpot na Iglesia hindi uso ang tiwalag sa first and original christian church
 
correction lang

INC
sa INC ay hindi pinahihintulutan ang pag inom ng alak - hindi accurate yan sinabi mo pede ang alak.
Sige po i search ko pa yung sa INC at alak
Baka may source kayo niyan lods, makakatulong
Catholic
walang bawal sa Catholic
Paano po yung pag abstain sa Lent? (Yung Ash. Wed. tsaka Fridays)
Hindi ko pa po ma search kung voluntary nga ba yon e.
 
Pero tama po na bawal kumain ng dugo or may dugo di ba?
Actually, sa pagkain, hindi mo naman lubusang maaalis lahat ng dugo .. Halimbawa, kahit nilinisan mo na ang manok, may mga nakasiksik pa din na dugo sa kaloob-looban ng laman, ito yung lumalabas na lang kapag ginisa mo na yung manok

[yun tipong kahit hinugasan mo naman na ng maigi yung manok at inalis mo na yung mga dugo na nakasiksik sa laman, eh meron pa ding lalabas at lalabas na dugo kapag ginisa mo na] ..

Kung lubusan namang pinatulo ang dugo, at hindi naman iyon binigti or hindi pinalo-palo para daw mas malasa, puwede namang kainin iyon basta nalinisang maigi gaya ng proseso ng nabanggit ko .. May mga part talaga ng manok or kahit ng baboy na hindi talaga lubusang natatanggal ang dugo dahil nakasiksik sa laman ..

Pero kung sinasadya na ng isang lingkod ni Jehova na kumain ng mga pagkain na alam niyang hindi pinatulo ang dugo or na hinaluan ng dugo, nagkakasala siya no'n kay Jehova ..

Hindi naman natin puwedeng hatulan ang isang tao at sabihing, "oh, may dugo yung pagkain mo ah, kasalanan yan sa inyo diba?" samantalang ang dugo naman pala na nakita mo is yun naman palang dugo na nakasiksik sa laman na hindi naman madaling tanggalin at lumilitaw lamang kapag ginisa na ito ..

Hmmm .. Nage-gets mo po ba yung point ko po?
 
Actually, sa pagkain, hindi mo naman lubusang maaalis lahat ng dugo ..

Hmmm .. Nage-gets mo po ba yung point ko po?
Gets naman po
Bale di pwede sa Goldilocks dinuguan ang mga JW, kasi pa-sadyang ginamitan talaga ng dugo iyon
Pero OK lang sa di naiiwasang dugo tulad sa descritpion niyo
 
Gets naman po
Bale di pwede sa Goldilocks dinuguan ang mga JW, kasi pa-sadyang ginamitan talaga ng dugo iyon
Pero OK lang sa di naiiwasang dugo tulad sa descritpion niyo
Hindi sa OK lang sa di naiiwasang dugo .. The difference between the two is that yung isa kasi ay INTENTIONAL na pagkain ng dugo samantalang yung binanggit ko naman ay unintentional, unnoticeable, na may nasasama palang tira tirang dugo sa pagkain .. Pero hangga't maaari, tinatanong namin kung may halo bang dugo ang isang pagkain lalo na kung hindi namin alam ang pagkakaluto nito .. Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon, nagtatanong kami, kasi, may mga pagkain talaga na mapapansin mo din kung dapat bang itanong kung may halo na dugo at may pagkain naman na makikita mismo na hinaluan ng dugo ..

Gets?

So, kung sa paanuman ay may nakain na karne na may tira tirang dugo sa laman, UNINTENTIONAL naman yon kasi hindi siya madaling tanggalin talaga .. INTENTIONAL kapag sadyang kumain kahit na alam ng hinaluan ng dugo ..

Mas malinaw na ba?

So, hindi y'on sa OK LANG .. pero hindi kasi palaging napapansin iyon sa pagkain, kaya UNINTENTIONALLY, may nakakain kaming pagkain na may tira-tirang dugo sa laman ..

Kaya, ang masasabi ko lang, UNINTENTIONALLY, nakakakain kami no'n, ng mga pagkain na may tira-tirang dugo na nakasiksik sa laman ..
 
Back
Top