Meron na kaya siyang iba non?

AdmiralShiro

Forum Guru
Elite
Joined
Mar 23, 2020
Posts
700
Reaction
15,229
Points
1,812
Hello po magandang gabi ka PHC 🤗

Ako po si Ian at meron po akong ex na si Angel. Nagsama po kami ng mahigit dalawang taon at limang buwan. Simula po grade 12 hanggang 2nd year college. At yun nga po naging kami at nagmahalan nung mga panahon na iyon. Seloso po kase ako talaga, Lagi ako nagseselos ket sa mga kaibigan niya lang kase ang hirap po kase lalo po if may kagandahan yung kasintahan ninyo at yun nga po minsan nagiging cause at din siya ng away namin at inaamin ko po na mali yun pero po nagawa niya parin mag adjust ket ganon na kapanget yung ugali ko. Ff nag 2 years na kami at mas lumalala yung pagsasama namin sobrang lala na ng mga away namin hanggang sa dumating sa point na ako po yung humingi ng cool off kase po sobrang naiinis na ako sa sarili ko nun kase po nahihirapan na siya sakin at gusto ko sana baguhin yung sarili ko sa loob ng maikling panahon na yun para sakanya. Hanggang sa nakipagbalikan ako at dun na po nag simula na nagsinungaling na siya sakin na nalaman naraw ng kanyang mga magulang na naging kami ( kase po di kami legal sa fam niya) at pinapapili raw siya kung pag aaral daw po or ako. Pero po di po yan totoo kase napatunayan ko nung nag break kami is meron na siya agad bago. Nagsabi siya na baguhin ko daw sarili ko at maghiwalay muna kami at pag graduate namin is magiging kami uli. Tapos nangako,siya na magiging kami ulit non pero po dumating sa point na nakita ko na lagi may nagrereact sakanya sa mga posts niya ( fb) at inistalk ko at nag myday yung lalake na yun na magkasama sila nung cool off namin. Sa tingin niyo po matagal na silang may contact sa isat isa?

Pasensya na po sa kwento medyo di kagandahan ang pag bahagi ko first time ko lang po kase mag kwento dito
 
Suggest ko ts magkaroon kayo ng closure, para naman alam mo kung mag hihintay kapa o hindi na sa kanya pagkatapos niya mag aral. Mahirap mag hintay sa wala ts.
 
Hindi pa ba closure yung sinabi ng babae na mag aral muna?🤔
You can call it that way, para sa akin hindi ko matuturing na closure yon, for me that’s an agreement, agreement na magiging sila ulit after matapos ni girl sa kanyang studies but the thing is, sa tingin ko na violate yon kasi according to ts may kinikita na si girl na iba, although wala sa usapan na bawal makipag partner muna sa iba pero what’s the point of having a relationship with other kung may pinag iintay ka na tao? It makes no sense,that why I recommend a closure, to end the relationship since sa tingin ko wala ng iintayin si ts.
 
Cool off nmn kasi, technically hindi na kayo. Mjo iniiba iba lng ng mga tao definition nito pra ung rules na in favor sa sarili nila. Pwede din nmn gamitin ng iba ung cool-off na term just to prevent un partner manghingi ng reason kung bakit, lalo kung ung true reason is masakit pakinggan.

Example: nakipagcool off ka instead of break, kasi it implies na may guarantee na magbabalikan kayo.

Pero break tlga un.
Pag nangyari un, wala na kayo commitment sa isat-isa.

Tingin ko kailangan mo nlng palayain sarili mo. Kung maghihintay ka na makatapos kayo, tpos ttry mo ulit, its up to you. Basta ngayon cool off kayo, thats the deal. Hindi sya beholden sayo, at ganun ka rin skanya.
 
Yes
Tama need nyo Ng proper closure,
If gusto na talaga Nung babae na maghiwalay kayo,
Let it be,
Tanggapin mo,
Baguhin mo srili mo,
Alisin mo ung pagiging seloso mo,
Jan ka naging baduy sa mata Ng ex mo,
Gawin mo wag ka Muna mag gf,mkipag kaibigan ka Muna s mga babae,
Sanayin mong may kaibigan na babae pra maging malawak pang unawa mo about s girls at hndi ka maging seloso pag nagka gf ka,
Madame ka babae eh,
And lastly but more importantly mag invest ka s srili mo,
Magka Pera ka,
Hndi q sinasbe na mukang Pera mga babae but they tend to need more an stable partner ..
Yun lang
 
cool off --->> parang break up na din yan , lalo na may iba na palang nagpapasaya sa kanya.
di siya manlalamig sayo kung walang ibang nagpapainit sa kanya.
best thing to do is move on na lang, in the end kasi kung kayo talaga, magtatagpo rin kayo in the end if its meant to be.
 

Similar threads

Back
Top