What's new

Trivia Maligayang Kaarawan

  • Thread starter Deleted member 1241817
  • Start date
D

Deleted member 1241817

Guest
Alam mo ba na yung mga naunang Kristiyano ay hindi nagdiriwang ng kanilang araw ng kapanganakan?

Screenshot_20210528-210650_Reminder.jpg

Hindi na natin kailangan maghintay pa ng isang espesyal na araw para magparty, pwde naman tayo magplano ng party basta tiyakin lamang natin na sinasang-ayunan nito ng Diyos.
 
Attachments

Sa bibliya, maalala ko sa kaarawan ni Herod irinegalo ang ulo ni John the Baptist.

Ngunit sina Hesus at ang kanyang mga disipulo, wala namang nakalagay sa bibliya na ipinagdiriwang nila ang kanilang mga sari-sariling kaarawan.
 
Thank you TS for sharing this info.
Pero magcecelebrate pa rin ako ng birthday ko. Hindi lang para sakin kundi bilang appreciation ko sa paghihirap ng nanay ko sa araw na ipinanganak ako. Dahil ang birthday ko ay birthday niya rin.
 
Welcome 😁 kung yan naging pasya mo wala nako magagawa pa ukol dyan pero kung gusto mo pa ng higit pang impormasyon patungkol sa birthday party pwde mo ito bisitahin.. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Tama mga sinabi mo.. napapaisip tlaga ako sa tuwing sumasagi yang birthday party na sa ganyang ka simpleng paksa malalaman mo mga Tunay na Kristiyano sa ngayon.
 
Nakaulat na sa Bibliya ni kahit ang mga istoryador noon ay iisa lng sinasabi na makasalanan lamang ang nagdiriwang ng birthday ni minsan sa mga Talata at kabanata ng Bibliya wala kang masusumpungan na isang Kristiyano ang nagdiwang ng kanyang kaarawan. Ni kahit si Jesus mismo hindi. Ang tanong anong eksakto nga bang kasalanan ang ginawa nila? Oo "nila" dalawang tao lng ang binanggit ng Bibliya ang nagdiwang ng kanilang kaarawan sina Paraon ng Ehipto at Herodes Antipas. Sa unang okasyon ay pinugutan ng ulo ang punong magtitinapay ni Paraon at sa ikalawa naman ay si Juan na Tagapagbautismo. Kapuwa nagpapaalala ng pagpatay. Ano sa tingin mong nais ipahiwatig ng Diyos nyan sa atin?

Isa sa bumabangon sa isipan ko sa ngayon bakit kayo nagdiriwang ng "kaarawan" kung ang pinagmulan ng pagsasagawa pala nyan ay nanggaling sa mga makasalanang tao?
 
So birthday celebration eh kasalanan based on those two occasions?? Thats it??

Lots of killing happened in the bible irrespective kung may okasyon or wala...
 
Oo thats it. Period. Yung mga naunang Kristiyano wala naman sa isipan nila yan dahil alam nila ang mas mahalagang selebrasyon kundi ang Kamatayan. (Eclesiastes 7:1)

Yung mga ginagawa ninyo ngayon sa araw ng inyong kaarawan eh may paganong kaugalian pala ni hindi nyo yun namamalayan dahil di nyo inaalam kung saan ba nanggaling ang ganyang uri ng selebrasyon.
 
Isa alang-alang naman sana ninyo ang naging paninindigan ng mga Kristiyano noon na nakasama mismo ng ating Panginoong Jesus.
 
Isa alang-alang naman sana ninyo ang naging paninindigan ng mga Kristiyano noon na nakasama mismo ng ating Panginoong Jesus.
Ako personally eh dont like to celebrate my birthday...not the same reason as yours nga lang... I just dont agree to call people celebrating birthdays as makasalanan.... And not just that... Ang dame "kasalanan" na pd gawing ang isang kapwa nyo believer... Even after supposedly nag "sacrifice na ung son" para sa mga kasalanan...
 
Paano ba dpat itawag? Ang ganyang uri ng selebrasyon ay may paganong kinaugalian. Mahirap bang hindi na lang iselebrate ang kaarawan? Malamang sa iilan mahihirapan at naiintindihan ko kayo. Pinagdaanan ko na rin yang kaarawan nung bata pa ko isa pa kong Roman Catholic. Wala akong kinaanibang simbahan sa ngayon. Patuloy parin ako sa pag-aaral ng Bibliya. Isa na riyan ang napag-alaman ko patungkol sa kaarawan. Personally din ayoko ng kaarawan nagka trauma nako sa ganyang selebrasyon. Yung tatay ko pag nakakainom yun nawawala sya sa katinuan taon-taon ganun sya simula pagka bata hanggang mag binata ako traumatized ako as in mas nangingibaw sana ang kasiyahan kaso hindi takot, galit, sobrang kalungkutan, kahihiyan halos lahat ng negatibong emosyon sinalo ko. Ngayong adulto nako parang nagkaroon tuloy ako ng social anxiety. Pasensya na napa kwento ng wala sa oras.

Napaka simple lang naman kung ayaw nyo mapabilang sa kanila na mga paganong kaugalian mga makasalanang tao eh huwag nyo na lng iselebrate. Pwde naman mag set kayo ng isang araw na salo-salo kayo magkakapamilya dba?

Sa pagkamatay naman ni Jesus pwde mo ito basahin sa araw na wala kang gaanong ginagawa.. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
I think iba lang tayo ng pananaw about calling other people makasalanan... For you as long as naviolate nila ung nasa bible then they are makasalanan... When religious people like you call others as makasalanan eh basically ur saying na they are bad people... And i dont agree.... People can do bad things..pero that doesnt mean that they are bad people... Pro of course for you they are paulit ulit na nagawa ng kasalanan by celebrating their birthday every year... Kinokonsider mo lang ung 1 araw na celebration or kasalanan nila over the rest of the number of days in a year where they couldve been doing actually good things.... Thats kinda unfair to label thoss people as makasalanan for 1 out of 365 days that they comitted a sin...

And as for your dad..im very sorry kung naging traumatic sayo ang childhood mo...pero i think the problem there is ung ******* and not birthday celebrations per se... I personally know a lot of people na grabe ang ginagawa na mga kalokohan pag nakakainom... Thats a real struggle for some people.. ako din personally i stopped drinking na.. super dalang and casual drinking na lang as in unlike nung nasa 20s ko pa ako..parang nagwalwal na ko ng husto non and i dont feel like drinking like that anymore...

Wala ka pala religious affiliation..kala ko jw ka paps...
 
Sinasalita ko lamang kung ano ang sinasabi ng Bibliya at ng kasaysayan ng tao patungkol sa Kaarawan. Nakatuon lng ang isip ko sa nangyari nung una. Iniisip mo pala na ang tingin ko sa inyo ngayon ay makasalanan.. nagkakamali ka. Hindi ko kailanman hinahatulan sino mang tao patungkol sa kaarawan nya. Sa ngayon, masaya lang tlaga ako na ibahagi ang iilan sa mga natutunan ko.

Sa bandang huli kinakailangan lang din natin mamili kung alin ang mas paiiralin, ang sarili ba nating pagkaunawa o ang mga pamantayan ng Diyos.
 
sa panahon ngayon nagcecebrate ang mga tao to give thanks sa pagbibigay ng Diyos sa atin ng buhay sa ating kaarawan and also to give thanks sa mga blessings na binigay ng Diyos sa atin. Just that fact alone is a good reason bakit dapat tayo mag celebrate ng birthday.
 
[XX='Patient Zero, c: 1245745, m: 1241817'][/XX] bro. just because ganyan ang ginagawa noong unang panahon makes celebrating your birthday an evil occasion. sa panahon ba ngayon pag may nagcecelebrate ng birthday ay may pinapatay? surely hindi.

makikita mo ngayon na nagbago at mas naging patungkol sa Diyos ang pagcecebrate ng birthday. makikita mo na ang mga tao e naghahanda at pagkatapos ay nagdarasal sa Diyos para magpasalamat dahil sa gift of life na binigay Niya sayo ng araw na yan at magpasalamat sa mga biyayang dumating at darating pa sa buhay mo. Kahit ganyan ang rason ng pagdiriwang ay masama pa rin bang magcelebrate ng kaarawan mo? nagkasala ka na ba dahil jan? surely hindi diba bro?

lastly, Just because walang nakasulat na Kristyano o mismong si Kristo na nagdiwang doesn't mean na hindi na tayo dapat magdiwang ng kaarawan. Hindi din naman natin literal na mababasa na ang mga Kristyano o maging si Kristo ay naliligo. does that mean wag na rin tayong maligo? surely hindi diba? What I'm trying to say e tingnan natin ang "RASON" ng pagdiriwang. makikita natin na sa bawat pagdiriwang ng Birthday sa panahon ngayon ay laging nakasentro ang Diyos thru attending mass and giving thanks sa mga blessings na natanggap ng celebrant.

Happy Birthday kapatid.
🎂🎂🎂
 
[XX='Kuring, c: 1254032, m: 262179'][/XX]
Ngayong alam na natin na ang birthday party ay nagmula sa mga taong hindi sumasamba sa tunay na Diyos.

Pero alam mo ba na ang pagbati at pagdalo ng mga kaibigan (sa araw ng kaarawan) at ng pagsisindi ng kandila ay mga paganong kinaugalingan yang mga yan. Hindi lang naman ang mga "makasalanang tao" ang nagsasangkot dyan bigyan pansin din natin sa paraan kung paano ito isinasagawa. Pagpapasalamat sa Diyos hindi ako tutol dyan marapat ngang gawin yan pero pwde naman din tayo magpasalamat araw-araw sa Kanya hindi na natin kailangan pang maghintay ng espesyal na araw para pasalamatan Sya.

Higit na mas importante ang araw ng kamatayan kesa sa kapanganakan. (Eclesiastes 7:1) Nakaulat sa Bibliya na ang tanging okasyon na dapat lang nating alalahanin ay ang kamatayan ni Jesus. (Lucas 22:17-20)

Yan lamang ang itinagubilin ni Jesus na alalahanin natin kaya huwag na sana tayo hihigit pa sa kung ano ang nakasulat sa Bibiliya. (1 Corinto 4:6)
 
About this Thread

  • 55
    Replies
  • 2K
    Views
  • 7
    Participants
Last reply from:
Ace106

Online statistics

Members online
660
Guests online
5,642
Total visitors
6,302
Back
Top