Poems Makata master

Ichigobankai

Forum Veteran
Elite
Joined
Apr 2, 2018
Posts
1,260
Solutions
1
Reaction
1,030
Points
638
Age
22
Kung pwede po kayong abalahin, di bay ako marunong gumawa ng tula😅
Kahit 5-6 na saknong with 4 taludtod lng po, kayu napo bahala kung lalagyan nyu ng talinghagang salita😊 (much appreciated po)

Ito po paksa: pili lng po

Karapatang Pantao, Kahirapan, Korapsyon, Colonial Mentality,
Karapatan ng mga Minorya o mga Katutubo





Tnx po inadvance
 
Korapsyon:

Mga pulitikong ibinoto ng sambayanan,
Inaasahang magsilbi nang tapat sa ating bayan,
Ngunit nangyayari'y sadyang taliwas,
'pagkat kanilang binubulsa kaban ng Pilipinas.
Perang nakokolekta'y sa iba nagagamit,
Kaya't mga tao'y sa patalim kumakapit,
Korapsyo'y nagbubunga ng mga kapus-palad,
Na kalauna'y gumagawa ng krimen sa ating bayan.
Korapsyo'y parang sunog kung maituturing,
Na dapat apulahin bago makapaminsala sa atin,
Solusyo'y 'di man basta-basta,
Pagdaan ng panaho'y atin rin itong maaapula.
Tayong mga mamamaya'y dapat na manindigan,
Ipaglaban ang ating mga karapatan,
Tayo ma'y nasa ilalim nilang lahat,
Ito'y hindi hadlang upang tayo'y umangat.


------
Sana po maka tulong🥰
 
Korapsyon:

Mga pulitikong ibinoto ng sambayanan,
Inaasahang magsilbi nang tapat sa ating bayan,
Ngunit nangyayari'y sadyang taliwas,
'pagkat kanilang binubulsa kaban ng Pilipinas.
Perang nakokolekta'y sa iba nagagamit,
Kaya't mga tao'y sa patalim kumakapit,
Korapsyo'y nagbubunga ng mga kapus-palad,
Na kalauna'y gumagawa ng krimen sa ating bayan.
Korapsyo'y parang sunog kung maituturing,
Na dapat apulahin bago makapaminsala sa atin,
Solusyo'y 'di man basta-basta,
Pagdaan ng panaho'y atin rin itong maaapula.
Tayong mga mamamaya'y dapat na manindigan,
Ipaglaban ang ating mga karapatan,
Tayo ma'y nasa ilalim nilang lahat,
Ito'y hindi hadlang upang tayo'y umangat.


------
Sana po maka tulong🥰
Oyyy so much appreciate po madam😊😊 tnx po,
Btw sariling gawa nyu po ba to maam😅, baka kac sa internet
 
Marikit na nakasanayan,
Marangya noong ako'y lumisan,
Pagbalik, nasan na ang yaman,
Kahirapan, nasilayan ng ating bayan.

Mga kababayang naagawan ng karapatan,
Silang kawawang walang kalaban laban,
Ang nasa taas ang patuloy na nagpapayaman,
Ngunit ang mahihirap laman ay tinatapakan.

Dating tinatangkilik ang sariling atin,
Lason ng dayuhan, pinalanghap upang utak nati'y sakupin,
Mas pipiliing gustuhin ang mga sapatos na mamahalin,
Kaysa sa sapatos ng Marikina na dapat paangatin.

Napapansin mo pa ba sila? Ang pinagmulan ng ating lahi?
O baka limot na, dahil sa pagtangkilik mo sa ibang lahi?
Matuto sanang lumingon sa pinanggalingan,
At sana'y wag mo silang kaligtaan.

Walang pakialam ang mga may upuan,
Kahit kayo'y tumindig at sila'y paringgan,
Di magiging mapayapa ang ating bansa,
Kung karamihan sati'y mas lamang ang kasamaan.

testing haha
 

About this Thread

  • 4
    Replies
  • 339
    Views
  • 3
    Participants
Last reply from:
NOUGHT

Online statistics

Members online
1,143
Guests online
3,140
Total visitors
4,283
Back
Top