What's new

Poems "Mahirap Magmahal ng Patago"

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,955
Solutions
6
Reaction
66,420
Points
16,635

Nakatambay na naman sa apat na sulok ng aking kwarto,​

Hawak ang unan at selpong may patak ng luha ko,​

hapdi at kirot ay tila nananaig sa sugatang puso,​

damdaming puno ng pighati at pagkabigo.​

Akala ko pag ibig ay walang hangganan,​

ninanamnam dati mga tawa't walang humpay na kasiyahan,​

Ngunit ang ihip ng hangin ay nagbago ng biglaan,​

sa diwa ko ay aking nakaligtaan​

Unti unti na kitang minahal, kaya ngayon patuloy na nasasaktan.​

Alam nating sa umpisa palang ay may mali,​

hinayaang umibig muli,​

Di alintana ang sakit at pighati,​

Sa pag aakalang ika'y mananatili.​

Ngayon sa mga mata luha'y di mapigilan sa pagdaloy,​

Di alam kung hanggang saan ang kirot ay magpapatuloy,​

Sama ng loob at damdamin gustuhin ko man itaboy,​

Sadyang kay hirap tumahak muli​

at sa landas ay magpapatuloy.​

Ito na naman ,lumuluha ng patago,​

Nasasaktan dahila'y di matanto,​

Ikaw na naman ang dahilan ng pagguho,​

Patagong pagmamahal ay di talaga biro.​

excerpt and paraphrase from SpokenWordPoetry​

 
Tara Libre kita yakult, tpos punta tayo Iceland, Kwentuhan tayo habang nakatitig sa Nakakabighaning aurora borealis habang pinaguusapan natin kung gaano ka-unfair ang buhay.

btw. sagot ko yung yakult.
 
sana nga malapit lang.... hehehe
kaya nga nuh haha jam tayo

Tara Libre kita yakult, tpos punta tayo Iceland, Kwentuhan tayo habang nakatitig sa Nakakabighaning aurora borealis habang pinaguusapan natin kung gaano ka-unfair ang buhay.

btw. sagot ko yung yakult.
bat naman yakult😆 di ako nainum nyan eh hehe pwedi chocomilk nalang, Anyways wish ko yang makakita ng Aurora borealis hehe ,wanna travel there soon.
 

Similar threads

Back
Top