What's new

Help Magpapavaccine o hindi? Nakakatakot eh

Hazama

Save me ✋
Elite
Sino naturukan ng vaccine na dito? Anong effect? Plano ko sana magpavaccine dahil may nagaantay na trabaho sakin sa Papua New Guinea kaso lang yung company na inapplyan ko is di sila magpapapasok kung hindi navaccine. Nagdadalawang isip pa ako kung magpapainject pa ako o hindi.

Susugal nalang ako kung ano man ang pwedeng mangyari para sa kinabukasan ko at sa pamilya ko.

Anong pwedeng marecommend nyo na vaccine if ever? Salamat sa sasagot.
 
1626741091946.png
 

Attachments

[XX='OrangeMoon, c: 1377823, m: 1881231'][/XX] natatakot din ako eh lalo nat may nabalitaan na naman akong namatay dahil sa vaccine. di talaga pwede matulog.
 
"delta na yan man made na yan"
"wala namang virus na nagagawa talaga pag di ginawa ng tao"
Any basis for these statements paps? Or more of opinion / point of view?

May nabasa ka bang credible source para diyan sa mga point of view na yan or na form mo lang sarili.
May right ka naman sa opinion mo and point of view, kaso mas matatag sana yan kung may basis.
 
Hi TS! Graduate ako ng BS Pharmacy and currently nagaaral for board exam sa November, vaccinated na kaming lahat sa family and sinovac ung ginamit samin. Wala naman masamang side effect, kundi ung nagkalagnat lang pero di malala. Normal lang magkalagnat kasi foreign substance ung tinurok, meaning nilalabanan ng ating katawan at ng antibodies natin un, after nilang labanan magkakaroon na ng memory ung antibodies natin na magiging defence mechanism natin if ever magkaroon tayo ng covid.

Isa pa pong reminder is di agad agad magkakaroon ng effect ung vaccine, after 2 doses mo, minimum of 2 wks ang bibilangin para magkaroon ng full effect sa katawan.

*PS Wag po maniwala sa mga posts sa social media if galing sa mga di expert, lalo na ung mga nagpopost at ang reference ay CTTO.

God bless and keep safe everyone :)
 
Back
Top