Tagal ko na nagda-drive ng motor, pero bago lang ako kumuha ng lisensya haha. Admit ko na pasaway ako, pero at least hindi ako dumaan sa fixer at natuto din ako sa daang tama. Natuto din ako paano mag-drive ng kotse sa driving school at nakapasa kahit first time ko nun mag drive ng 4 wheels.
Yung unang proseso ay kumuha ng Student-Driver's Permit (SP). Ang pagkuha nito ay medyo mahirap dahil kailangan mo mag-enroll sa isang LTO Accredited driving school dahil isa sa mga requirements ng SP ay ang Certificate of Completion pagkatapos mo ng Theoretical Driving Course (TDC). May seminars ka na pupuntahan at bawat session merong exam. Yung experience ko sa driving school ay 50 items every exam, at tatlo na exam (3 days/1 exam per session day) ang meron. Napaka strict din ng passing score, dapat 40/50. Sa medical naman, nag pa kilo lang ako at height, tapos nag eye exam lang sa harap ng computer. Halos ₱2,500 ang nagastos ko para sa TDC lang. May ₱350 sa Medical at may ₱250+ pa para sa Student-Driver's permit mismo. Pero ang presyo ng TDC ay depende sa driving school syempre.
Sa pagkuha ko naman ng Non-professional Driver's License, mas lumobo lalo ang gasto. Requirements na dito ang Certificate of Completion ng Practical Driving Course (PDC) galing sa LTO Accredited driving school ulit. Depende sa driving school at mga code na kukunin mo ang presyo. Yung akin ay A, B para sa Motor at 4 wheels. Separate ang code ng Motor at Kotse. Kung code B lang kunin mo, kotse/4 wheels lang pwede mo idrive, hindi ka pwede mag-drive ng motor dahil wala sa restriction code mo yun. Kaya dapat A, B = Code A and Code B ang kinuha ko para pwedeng motor at kotse ang idrive ko. Bakit ko ito inexplain? Dahil iba ang bayad per code sa Driving School. Depende din sa driving school kung may package sila at promo na dalawang code, pero dapat talaga i-indicate mo kung ano ang mga gusto mong i-drive na sasakyan ukol sa Restriction Code nito.
Madali lang dun sa PDC dahil turuan ka talaga ng driving instructor mo paano mag-drive. Hindi ito exam agad na pwede kang i-fail agad, dahil driving school ito syempre turoan ka muna paano. First time ko mag kotse pero within the same day pina-drive na ako ng instructor ko sa daan hahaha, parang mga 1 hour lang nga kami duon sa closed course nila, at yung remaining na time ay nasa daan talaga. Tinuruan ako ng instructor ko paano mag drive, park, at mga iba pang tips sa daan.
Nung natapos ko yung course, binigyan na ako ng certificate of completion para sa requirement ng Non-professional Driver's License. Nagpa-medical ako ulit dahil 1 month lang ang validity nung Medical Certificate. Sinabihan din ako ng driving school na mag-dala ng OR/CR ng kotse na dalhin ko sa LTO para mag Practical test ulit dun. Nung nandoon na ako sa LTO, nag Theoretical Exam ako sa computer, monitored yung exam dahil may webcam na nakatutok sayo at dun din sa likod mo may mga bantay din sa likod. Madali lang yung exam dahil mostly common sense lang talaga. Nag-review din ako kaya madali lang. Pagkatapos nun nag Practical na ako at di din pumasok yung examiner sa kotse ko. Tiningnan nya lang ako sa bukas na window (Natakot siguro baka maharurot ko, first time driver kasi hahaha). Pinasa nya ako agad kahit isang liko lang ginawa ko. Basta makita nya lang na nag seatbelt ka at marunong ka magpatakbo, ok na yan.
Tapos nun naghintay ako ng naghintay. Halos isang oras ako duon sa waiting area nila dahil ang dami ng tao. Bumayad ako sa cashier nung tinawag ako, at tinawag ulit ako sa Release window para kunan ng fingerprint at picture. Ayun, nakuha ko na agad lisensya ko. Mahigit ₱5000 ang binayad ko sa Driving School para sa code A (Motor) at B (4 wheels), package na yun sa Driving School na sinalihan ko. Sa LTO, ₱100 para sa Application Fee at ₱560+ para sa License mismo.
All-in-all ang expenses ko:
Driving School (TDC requirement) - ₱2,500
Medical - ₱350
Student-Driver's Permit - ₱250+
Total: ₱3,100~
Driving School (PDC requirement, Code A & B) - ₱5000
Medical - ₱350
Non-professional Driver's License - ₱650~
Total: ₱6000~
Overall Total: ₱9,100+
As you can see, sobrang mahal ng mga bayarin ko. Halos ₱10k sa tamang proseso, pero ang driving school ko talaga ang nagpamahal. Pwede ka makatipid sa driving school at mag aral ng libre sa LTO Driver's Education Center kung meron ito sa lugar nyo. Pwede din kayo mag-tingin sa TESDA - libre din dun.
Siguro makamura kayo sa fixer dahil may mga kilala silang mga LTO personnel para i-peke mga requirements, o baka peke lang talaga ang lisensya na ibigay sayo pagkatapos mo picturan. Baka makamura ako at gumasto nalang ng mga 3-4k sa fixer, ewan ko kung papaano nila ginagawa, pero wala akong pake. Basta ang proseso na sinunod ko ay yung tama at nakakabuti.
Sa pamamagitan ng TDC nalaman ko ang mga batas trapiko, sa PDC natuto di lang kung paano mag drive, pero paano din maging mabuti na driver sa daan.
Kaya if wala ka pang lisensya, mas mabuti ang tamang proseso. Ingat!