What's new

Help LOST SSS ID

Marcusangelus

Forum Veteran
Elite
Good day po mga Mam & Sir,
Magtatanong lang po sana ako paano ko malalaman SSS number ko, wayback 2018 pa un.
After that hindi ko na napansin SSS ko. Gusto ko sana malaman ung SSS number ko dahil requirements sa work.

-Nag Awol ako sa first work ko dahil sa school schedules, nahiya na ko bumalik para itanong sa kanila ung SSS number ko.
-Ayaw pumasok ng email ko sa [sss_corp@sss.gov.ph]
-
Nawala na ung original files ko dahil sa binaha kami noon.

Maraming Salamat po mga Mam & Sir.
 
Magandang araw po!

Para malaman ang inyong SSS number na nawawala, may mga paraan na maaari ninyong subukan:

1. Online: Pumunta po kayo sa website ng Social Security System (SSS) sa sss.gov.ph. Mag-register po kayo sa kanilang online portal at mag-log in gamit ang inyong registered email address at password. Sa inyong online account, maaari ninyong makita ang inyong SSS number.

2. SSS Mobile App: Kung mayroon po kayong smartphone, maaari ninyong i-download ang SSS Mobile App sa Google Play Store (para sa Android users) o App Store (para sa iOS users). Mag-log in po kayo sa app gamit ang inyong registered email address at password para makita ang inyong SSS number.

3. Personal Appearance: Kung hindi po kayo makapag-access sa online portal o wala pong ibang paraan, maaari po kayong pumunta sa pinakamalapit na SSS branch. Dala po kayo ng valid ID at iba pang mga dokumento na magpapatunay ng inyong pagkakakilanlan. Sa SSS branch, maaari po kayong magtanong sa mga staff kung paano makuha ang inyong SSS number.

Mahalaga po na magdala ng mga valid ID at mga dokumento na maaaring magpapatunay ng inyong pagkakakilanlan tulad ng birth certificate, passport, driver's license, TIN ID, PhilHealth ID, o postal ID. Kung wala po kayong mga valid ID, maaaring humingi ng tulong sa SSS staff para sa mga alternative na dokumento na maaari ninyong gamitin.

Tandaan na ang mga impormasyon na ibibigay ninyo sa SSS ay dapat tama at totoo. Mag-ingat po sa mga pekeng SSS websites o mga scam na nagpapanggap na representante ng SSS.

Sana po ay matulungan kayo ng mga nabanggit na paraan para makuha ang inyong SSS number. Maraming salamat po at magandang araw!
 
naku, mahirap yan...
punta sa pinakamalapit na SSS at itanong ang iyong SSS number...
subukan mo rin tumawag sa hotline nila, baka sakaling itanong lang sa iyo ay may security questions para ma-ibigay nila ang iyong SSS number, then kung naiwala mo na yung original ID mo, may bayad na yan kapag nag request ka ng bago, initial ID lang ang libre
 
Magschedule ka nalang ng oras upang pumunta sa pinakamalapit na SSS branch sa inyo, pede mo makuha yan kasi may records sila nyan, ilang details mo lang kelangan para maretrieve mo SSS number mo ulet
 
punta ka sa pinakamalapit na sss branch. madali naman makita info mo via full name and other personal info, tatanungin ka lang nila tungkol diyan.

after nila mabigay username mo, irereset nila password mo via registered email. much better kung yung naka register email sa sss mo is naa-access mo pa.
 
Maraming salamat po mga sir, mukang kailangan ko talaga mag walk-in sa kanila.
God bless po mga sir.
 
Similar threads

Back
Top