Litanya sa Banal
O birheng Santa Ines
Kanina’y may ginahasang buntis
Ngunit di matukoy ang salarin
Anak kasi ng pulis :nailbiting:
O mahal na patron ng San Isidro
Buwan-Buwan na lamang sa aming baryo,
May sanggol na nakukuha
Sa loob ng pampublikong inodoro.:wideyed:
O mapaghimalang San Luis
Ipinagbili ng isang misis
Tig-isa ng kanyang kidney at matris
May pang-ulam lang kahit na bulok na kamatis.:notworthy:
O banal na anghel na san Gabriel
May isang batang nahilig maglaro ng baril
Nasa lahi na marahil ang pagiging suwail
Nang mag-asawa’y namamalo ng barbell :blackeye:
O mapalad na SaN Mateo
May isang albularyo na mahilig sa kabayo
At lahat ng kanyang dalagang hinihilot sa baryo
Naglilihi ng balut at nahihilig sa siling labuyo
O kaibig-ibig na patron San Roque
Sa simbahan tuwing gabi
May madalas tumili
Ang pari raw kasi nagiging paniki layful:
O mahal na ebanghelistang San Juan
May matandang sa damuhan napadaan
At di nakita ang babalang bawal tapakan,
Hayun, pinagbabaril ng hukbong sandatahan
O unang santong martir San Esteban
Rebelde at military ay walang puknat ang labanan
‘di matukoy ang kanilang pinag-aawayan
Kahit na ilang ulit ring nag-sanduguan. :yawn:
O patron naming San Vicente
May isang dating tenyente
Na ipanaligpit kasabwat niyang mga pugante,
Ngayun, nag aambisyong maging president :hilarious:
Ikaw ,kanino ka mananlangin?