Dahil matanda na si Etta at malamang sobrang politicized na ng bill na nawala na yung ikabubuti ng mga minority tuland ng mga bakla, subukan ko sagutin baka makatulong. Caveat, kahit ako naguguluhan sa SOGIE at madalas na naiinis lalo na sa mga bakla na nagkakalat ng kahihiyan (eg Awra,Puka Vega) pero may first hand experience din ako kung gano kahirap magkarelasyon ang mga bakla lalo na pag na-ospital at walang magdedesisyon. Kaya kahit mas lalo gugulo pa kapag nagka-SOGIE, mas makakabuti ito para mas matanggap ang pinagkaiba sa lalake, babae at bakla dahil maliban sa mga nagkakalat na bakla, nakakaawa talaga tumanda na maging baklang pamilya at karapatan nila yun na magkaron ng desenteng pamumuhay at makilala hindi bilang isang best-friend, ampon, nurse, tagapag-alaga o tito dahil may mga desisyon ang pamilya tulad ng pagkakasakit, pagkamatay, paghiram ng pera sa banko na kinakailangan makilala ang pagiging bakla sa pamilya. Alam ko hindi SOGIE ang sasagot dito pero at least magkakaron ng pagkakataon na balang araw hindi na kakailanganin hanapin ang mga umabandonang pamilya ng isang baklang matanda na may karamdaman para malaman kung paano siya ooperahan at gagamutin sa ospital at karapatang mabuhay na pinaguusapan dito.
Eto yung ibang sagot na hindi masagot ni Etta:
"The interviewer asked about the possible conflict of the SOGIE bill to existing laws on religious freedom, like compelling an all-girls-school to accept boy or vice versa.."
Si Etta kasi palaban pero kulang minsan sa sustansya dahil galit sa Katoliko. Pilipino tayo, karamihan malaksa ang pananampalataya at galit ang relihiyong Katoliko sa bakla pero nagsisimula nang tanggapin ng Vatican pero hindi ganon kadali. Sinusubukan na ng Katolikong Simbahan na maging marahan sa mga bakla pero hindi kailangan awayin ni Etta ito kasi wala namang nananalo kapag nakikipagaway, dapat iniintindi niya kahit mahirap, kahit nga si Pope Francis sinusubukan.
Hindi kailangan tanggapin sa Catholic schools ang mga bakla. Pero bilang isang lumaki sa all-boys and formerly all-girls (yep) schools, uso ang bakla at lesbian dahil uhaw lahat. Hindi nakabroadcast pero alam ng lahat kung sino-sino pero ang maganda dito, hindi nadedescriminate kasi ang labanan sa school hindi gender kundi pera, itsura at talino.
Pero kasi bakit tinatanggap ng mga Catholic schools ang mga lesbian at bakla? Kasi kulang na kulang sila sa enrollees. Sa mga trans naman na mga bata, pwede nila ito paalisin at nakakita na ako ng ganito. Okay lang naman para sa akin kasi mahirap nga naman pilitin ang iba ng paniniwala. Sa mga Catholic schools na pinanggalingan ko, pwede din ihiwalay ang mga Muslim, Jehova at iba pang relilhiyon sa mga faith sensitive activities (kahit nga Korean sa amin hinihiwalay sa Filipino class). Baka pwede din gawin sa mga trans.
"Now the interviewer address the issue on transgender in women sports, citing the example of Fallon Fox bashing the head of his* opponent who is a biological female in MMA(mixed martial arts)....And when given the example: Lebron James joining the Womens' division she then says "hindi naman pwede iyon, lalake naman siya" (exactly...)"
Medyo napaghahaltaan talaga si Etta dito na hindi niya alam ang science behind trans sports. May mga sports na pinapayangan ang trans basta may "testosterone suppression" na mangyayari.
testosterone levels have been lowered to <10 nmol/L for 12 months (source:
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.). May iba pa dapat na rules na mag-gogovern maliban dito kasi kung ito lang lugi ang babae.
Maliban sa testosterone suppression, active ang International Olympic Committee sa paggawa ng implementing rules and regulations para ma-accomodate ang mga trans athletes. Kaya kailangan ang bawat sports updated dito para ma-cascade sa mga National Olympic Committees.
"Interviewr asked about the case when a cake shop denied a LGBTQ couple's request to purchase a wedding cake."
Hindi aware si Etta dito, ako rin hindi. Pero this is discrimination kasi nga kahit bastos nga na cake ginagawa. On my end naman, pwede ko kasing sabihin na "sanay na lumipat na lang tayo ng iba". But I see it more as a losing business, hindi naman kinakailangan icriminalize pero more of i-tag. Instead na maging preventive, dapat ginawa na lang na incentive, tulad na "gay friendly bakeshop" - pero sa totoo lang naalala ko yung napanood ko na mga Jews na hindin pinagbilhan sa bakeshop nung panahong ng Third Reicht kasi bawal. Hindi naman tayo aabot don pero nakakababa lang at nakakatakot yun sa mga bakla, pero nasobrahan naman kasi sa pagiging palaban na umaabot na sa nakakahiya.
"She then answers that the couple must go somewhere else. But when compared to a boy entering a christian school, she insists na dapat pwede yung bata kasi "gusto mag aral nung bata". It is unclear kung kailan magiging violation ng SoGIE Bill, and this is unacceptable if the consequence was to criminalize these acts."
Mukhang hindi galing sa Christian school si Etta, pero gaya ng sinabi ko ng una, sobrang daming bakla at tomboy sa mga all girls and all boys and co-ed catholic schools! And they usually hold the highest position in the class! Tinatanggap nga sila kasi nga kailangan na kailangan ng schools ng pera at karamihan matatalino and they give credit to the school. Ngayon, kung ang SOGIE pipilitin na papasukin ang trans at gagawin crime ang hindi sa pagtanggap nito, dito hindi ako payag. Ang limitations ng Catholic schools is actually the dress code kung hindi ang gay relationships kasi they turn a blind eye on that. Masaya na matanggap ang trans sa Catholic schools, panahon ko pa lang maraming nagpalda na sa allboys school na pinasukan ko tapos diretso Guidance hehehe. Para sa akin kung ayaw ng Catholic schools they should be tagged as non-gay friendly but not criminalize. Also, I would suggest that there should be schools that promotes gayness para maging malaya ang mga baklang hindi kinakaya ang mga Catholic schools pero I doubt kasi ang mga bakla sa mga Catholic schools sobrang makapangyarihan at all-tier yan.
Yung problema kasi sa SOGIE, sobrang negative reinforcement siya. CRIME agad. Pwede namang gawing positive reinforcement muna, tulad ng mga incentives and tax breaks kaysa sa penalties. Puro takot na nga ang nararamdaman sa hindi alam na karamihan sa pagiging bakla kaya mas lalong natatakot yung mga straight na hindi nakakaalam.
Pero pumapayag pa rin ako sa SOGIE kahit maraming issues, dahil karamihan sa mga bakla, halos buong buhay nila nakikipaglaban para marespeto, laging nagsisipag yan sa school, nagpapakabibo kasi kung hindi gagawin ng bakla yun, mamaliitin siya hindi tulad ng lalake at babae na hindi na kinakailangan ipaglaban yung gender niya. Sa tingin ko, yang SOGIE ay pakikinabangan ng mga batang bakla na laging inaapi, para kahit papaano magkaron siya ng patas na laban sa mga normal na lalake at babae. Kahit may abuse against children na batas ang normal na batang lalake at babae ay lumalake, samantalang ang batang bakla ay magiging bakla pa rin kahit sa pagtanda at dadalhin nila yung pagiging bakla nila habang buhay, borderline pagiging PWD na and take note, bilang isang PWD sobrang hirap na ipaglaban ang buhay. Kaya sa akin, isa ang bakla sa minority na kailangan protektahan.